Facebook

Chief of Staff ng Brigada, patay sa ambush

Patay ang Executive Office Director at Chief of Staff ng Brigada Group of Companies nang tambangan ng nakamotorsiklo nitong Biyernes ng tanghali sa General Santos city.

Kinilala ang nasawi na si Yentez A. Quintoy, Executive Office Director & Chief of Staff ng Brigada Group of Companies.

Sa ulat, nitong June 4, 2021 nagmamaneho pauwi si Quintoy para saluhan ang kanyang mga anak sa pananghalian nang lapitan ito ng mga salarin sakay ng itim na motorsiklo at malapitang pinagbabaril.

Nag-alok naman ang Brigada Group of Companies ng P1 milyon reward para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pananambang kay Quintoy.

Nakikipag-ugnayan na ang Brigada sa mga otoridad para malaman ang motibo ng mga salarin.

The post Chief of Staff ng Brigada, patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Chief of Staff ng Brigada, patay sa ambush Chief of Staff ng Brigada, patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hunyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.