Facebook

Tony Labrusca, kinasuhan ng pagmomolestiya at pananakal

Pormal nang sinampahan ng kaso ang aktor na si Tony Labruscasa sa Office of the City Prosecutor sa Makati City nitong June 4.

Sa report, kasong aggravated acts of lasciviousness at aggravated slight physical injuries ang isinampa laban kay Labrusca.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang kaso dahil sa umano’y dalawang beses na pangmomolestiya ni Labrusca sa isang babae at pananakal sa isang lalaki noong gabi ng Enero 16, kung saan lango umano sa alak ang aktor.

Inakusahan si Labrusca ng sadyang pagtanggal sa spaghetti straps ng babae “para malantad ang dibdib nito” at “paghatak sa babae para maupo sa kanyang hita”.

Nasaksihan daw ito ng negosyanteng si Drake Dustin Ibay.

Maliban sa dalawang bilang ng aggravated acts of lasciviousness, nahaharap din si Labrusca sa reklamong aggravated slight physical injuries na isinampa ng utol ni Ibay, na sinasabing sinakal ng una matapos tulungan ang aktor na makababa sa hagdan sa sobrang kalasingan.

Ayon sa abogado ni Labrusca na si Atty. Joji Alonso, naipaalam na sa kanila ang mga kasong isinampa laban sa kanyang kliyente pero hindi pa nakakatanggap ng kopya ng mga complaint-affidavit.

“As we have not yet been in receipt of copies of the Complaint-Affidavits, we could not give a judicious response nor comment on the matter,” ani Alonso.

Nanawagan sila sa publiko na huwag munang husgahan ang aktor, dahil sa bandang huli ay lalabas din ang katotohanan.

“We call the public to be mindful of casting judgment based on mere allegations and unfounded claims. We welcome the legal process taking its course, where in the end, the truth shall always prevail,” dagdag ng abogado.

The post Tony Labrusca, kinasuhan ng pagmomolestiya at pananakal appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Tony Labrusca, kinasuhan ng pagmomolestiya at pananakal Tony Labrusca, kinasuhan ng pagmomolestiya at pananakal Reviewed by misfitgympal on Hunyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.