Facebook

Mag-ama, kinatay ng manugang

Pinagtataga patay ang ama ng tahanan at anak nito habang sugatan ang kanyang misis at isa pang anak nang atakihin ng naghuramintadong manugang Biyernes ng gabi sa bayan ng Cabugao.

Kinilala ang mag-amang nasawi na sina Demetrio Sevilleja, 44 anyos; at Michael Sevilleja, 23 anyos; habang sugatan ang mag-ina nitong sina Didi Sevilleja, 49; at Melvin Sevilleja, 24 anyos, pawang mga residente sa Sitio Ulayos, Brgy. Catucdaan, Cabugao.

Tinutugis naman ang salarin at manugang ng mag-asawang Sevilleja na kinilalang si Michael Gaspar ng nasabing lugar.

Sa report, 10:00 ng gabi ng Huwebes nang maganap ang krimen sa loob ng tahanan ng pamilya Sevilleja.

Ayon sa ulat, natutulog na ang pamilya Sevilleja nang bigla na lamang magwala si Gaspar at armado ng itak at kutsilyo.

Dito, inatake ng saksak ni Gaspar ang kanyang manugang na si Demetrio at sinunod ang bayawn nito na si Michael.

Tinangka naman tumulong ng mag-ina para awatin so Gaspar subali’t maging sila pinagsasaksak din.

Nakita naman ng isa pang anak ng mag-asawa na si Michelle ang pangyayari kaya nagawa nitong makatakbo at humingi ng tulong sa pulisya.

Sa pagresponde ng mga otoridad hindi na nila naabutan pa si Gaspar na mabilis tumakas matapos ang krimen.

Dinala naman sa ospital ang mag-anak pero dineklara na rin patay ng umatending doktor ang mag-amang Sevilleja.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang bolo at kutsilyong ginamit sa pangyayari.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin ang tunay na motibo sa krimen.

The post Mag-ama, kinatay ng manugang appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Mag-ama, kinatay ng manugang Mag-ama, kinatay ng manugang Reviewed by misfitgympal on Hunyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.