Facebook

Metro Walk One Valiant Eagles Club

PAPURIHAN natin sa araw na ito ang noble group ng Metro Walk One Valiant Eagles Club na binubuo ng mga tunay at mararangal na ginoo na layon magkaloob ng pagtulong at serbisyo sa mamamayan at bayan.

Pinamumunuan po ito ng Pangulo nila na si President Louie “Kuya Luigi” Garcia.
Vice President Antonio “Kuya Tony” Aquino
Secretary Orfeo “Kuya Wency” Pagsuguiron. Mga Board of Directors Kuya Debold Sinas, Kuya Peter Naboye, Kuya Mario Joel Villanueva, Kuya Dominador Ellazar Jr., Kuya Hilarion Dimagiba Jr., at Kuya Danilo Miranda.

Ang motto po ng grupo ay ” Service To A Strong Brotherhood.

Taos na agad natin na ang samahang ito ay binubuo ng mga taong may malaking malasakit sa kanilang kapwa tao.

Ang kapatiran ay regular na nagdaraos ng feeding at outreach programs sa iba’t ibang komunidad dito sa bansa.

Mga makabayang ginoo na may angking pagmamahal sa kapakanan ng tao at bayan.

Karamihan sa mga napagkalooban na ng tulong at malasakit ng MWOVEC ay mula sa sektor ng mahihirap na komunidad na hindi lamang nangangailangan ng materyal na ayuda ngunit gutom din sa atensyon at pag-aaruga ng pamahalaan.

Kaagapay ng administrasyong Duterte ang Metro Walk One Valiant Eagles Club (MWOVEC) sa hangarin nitong masaayos ang uri ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pinoy.

Sa katunayan nagsagawa ng feeding/outreach program ang grupo nitong nakaraang linggo sa probinsya ng Rizal, bilang pagpapaabot ng konting tulong para sa mga kapos palad nating mga kapatid at mamamayan.

Magkakaroon din ng feeding/ outreach program at sasabayan ng fellowship sa mga darating na linggo sa probinsya ng batangas, lalo na sa mga lugar ng mga kababayan nating mahihirap.

Ang mga Kuya nating ito sa Eagles Club sa pangunguna ni Kuya Pres Luigi ay sadyang maaasahan di lamang sa panahon ng nararanasan nating pandemya kundi sa lahat ng pagkakataon at panahon.

Bukas ang kanilang mga kamay at puso na tulungan at damayan ang sino mang nangangailangan ng tulong.

Marami na silang napatunayan sa larangan ng pagkakaloob ng serbisyo sa tao.

Metro Walk One Valiant Eagles Club,
The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Club!

Mabuhay ang One Valiant!
Mabuhay ang Agila!

***

PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com

The post Metro Walk One Valiant Eagles Club appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Metro Walk One Valiant Eagles Club Metro Walk One Valiant Eagles Club Reviewed by misfitgympal on Hunyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.