NAITALA nang Phoenix Suns, ang 2-0 sa kanilang serye laban sa Denver Nuggets matapos na ilampaso sa iskor na 123-98, sa Game 2 sa Western Conference semifinals kahapon sa Phoenix Suns Arena.
Muling pinamunuan ng veteran point guard Chris Paul ang opensiba ng Suns na umiskor ng 17 points at 15 assists.
Ang 36-anyos na si Paul ay walang naitalang turnover at mistulang baliwala ang kanyang naranasang injury kamakailan.
Ang kanilang mga starters ay balanse rin ang ipinakita na may mga double digits points kasama na si Devin Booker na naglista ng 18 points at 10 rebounds.
Sa panig ng Denver nasayang ang ginawang all-around game ng bagong NBA MVP na si Nikola Jokic gamit ang 24 points at 13 rebounds.
Ang Game 3 ay gagawin na sa teritoryo ng Nuggets sa Sabado.
The post NBA: Chris Paul, Suns tinuhog ang Nuggets para sa 2-0 lead appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: