Facebook

Pagpapalawig ni PRRD sa special allowance ng health workers, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang paglagda ni Pangulong Duterte sa Administrative Order No. 42 na nagpapalawig sa COVID-19 Special Risk Allowance sa mga kuwalipikadong health workers ngayong nasa State of National Emergency ang bansa.

Nilagdaan ng Pangulo ang kautusan nitong Martes, June 1.

“Bigyan po natin ng pansin ang mga karapatan ng ating frontliners. Pakinggan at tulungan natin sila dahil sila ang mga sundalong araw-araw na humaharap at nakikibaka upang magtagumpay ang ating bansa sa hamon na dala ng COVID-19,” ani Go, chairman din ng Senate Committee on Health.

“Gamitin po natin ang pondong mayro’n tayo para mabigyan ng proteksyon at alaga ang ating mga health workers, doctors, nurses at iba pang frontliners,” aniya.

Ang kautusan ay amiyenda sa AO 36, na nilagdaan naman noong Nobyembre 16, na nag-aatas sa national government agencies, government-owned or -controlled corporations, at local government units na bigyan ng SRA nang hindi hihigit sa P5,000 kada buwan ang kuwalipikadong health workers na direktang nag-aalaga o may kontak sa CoVID-19 patients.

Ang allowance ay base sa dami ng araw na ipinasok ng health workers sa trabaho sa loob ng isang buwan, simula September 15, 2020 hanggang June 30, 2021.

Idinepensa ni Go na ang SRA ay bilang pagkilala sa kabayanihan at hindi matatawarang kontribusyon ng health workers.

“Hindi lang naman po compensation ang issue dito. The best way to help the health sector respond to this crisis is by sufficiently providing them with the tools and protection needed to do their jobs. Nararapat lamang na mabigyan sila ng dagdag na tulong pinansyal bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo,” sabi ni Go. (PFT Team)

The post Pagpapalawig ni PRRD sa special allowance ng health workers, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagpapalawig ni PRRD sa special allowance ng health workers, pinuri ni Bong Go Pagpapalawig ni PRRD sa special allowance ng health workers, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.