Facebook

Patuloy na kawalan ng genuine land reform, binatikos

BINATIKOS ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang umano’y pekeng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ng pamahalaan sa ika 33rd taon pagkakatatag nito at nagdulot lamang umano ito ng pagpapahirap at sakit sa mga masang magsasaka.

Sa press statement ng KMP sinabi nitong ang CARP ang nananatiling pinakamatagal, magastos at umano’y bloodiest land reform program na ipinatupad ng rehimen ni dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino at kasalukuyang administrasyon.

Ayon sa KMP simula noong nakalipas na taon at kasalukuyan ang mga magsasaka at nananatiling walang lupa dahil sa CARP na ang sinusuportahan lamang ay ang umano’y land monopoly ng ilang hacienderos at landlords.

Kaugnay nito sinabi ng KMP na sa loob ng tatlong (3) dekada ang CARP ay na covered lamang nito ay ang 41% ng agricultural lands at nagastos dito ang P409-Bilyon na ang karamihan umano ay sa landlord compensation.

Idinagdag pa ng grupo ng mga magsasaka na simula 1988 higit sa 100,000 hectares ng lupa ang pinayagan para ma-convert ng DAR.

Ayon pa sa KMP sa limang taon ng kasalukuyan administrasyon wala umanong genuine land reform.

Samantala nabatid pa sa KMP na sa halip na resolbahin ang ugat ng krisis at ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka ang kasalukuyan administrasyon ay nagsusulong ng giyera sa mga mamamayan.

Sinabi pa ng KMP na ang anti-peasant programs ng DAR at ang proyekto sa ilalim ng umano ng leadership ni Sec. John Castriciones ay pinaigting ang umano’y bulok at pekeng CARP.

Kaugnay nito sinabi pa ng KMP si Castriciones ay agad umanong nagpatupad ng AO No. 1 para mapabilis ang applikasyon at proseso ng land-use conversioin. AT sinundan pa ito ng AO NO. 2 or SPLIT na nagdi-divide sa mga collective CLOAs ng CARP beneficiaries.

Samantala kaugnay nito sinikap naman ng sumulat na makuha ang panig ng mga opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR) hinggil sa press statement ng KMP sa isang cellphone interbyu sinabi ng Director ng Public Assistance and Media Relations Service (PAMRS) ng DAR na si Director Rene E. Colocar na hindi siya maaaring magbigay ng pahayag hinggil sa statement ng KMP dahil hindi siya ang tamang opisyal (DAR) na dapat sumagot sa naturang statement.(Boy Celario)

The post Patuloy na kawalan ng genuine land reform, binatikos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Patuloy na kawalan ng genuine land reform, binatikos Patuloy na kawalan ng genuine land reform, binatikos Reviewed by misfitgympal on Hunyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.