Facebook

125,598 vaccines, naiturok sa Maynila sa loob ng 3-araw — Isko

MULING lumikha ng panibagong record ang pamahalaang lungsod ng Maynila nang makapagturok ito ng may kabuuang 125,598 doses ng vaccines sa loob lamang ng tatlong araw mula July 3 hanggang July 5.

Ito ay makikita sa regular vaccination update na ipinost ni Manila Mayor Isko Moreno, na nagpahayag ng pagtitiwala na ang mga bakunang nauna ng binili ng pamahalaang lokal mula Sinovac ay mauubos na habang sinusulat ang balitang ito (Martes o Miyerkules) sa pagpapatuloy ng mas pinaigting na mass vaccination ng lungsod.

Matatandaan na noong June 24, ay pinangunahan nina Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagsundo sa NAIA Terminal 2 ng may 400,000 doses ng Sinovac na binili ng alkalde mula sa tagagawa nito sa China. Dahil dito, ang Maynila ang kauna-unahang lungsod sa mundo na bumili ng sarili nitong bakuna mula sa Sinovac. Ang nasabing doses ng vaccines ay sapat para sa 200,000 indibidwal na tatanggap ng dalawang doses bawat isa.

Binati at pinasalamatan ni Moreno ang vaccinating teams sa ilalim ng superbisyon nina Vice Mayor Honey Lacuna, Manila Health Department chief Dr. Poks Pangan at assistant MHD chief Dr. Ed Santos, matapos na makapagrehistro ng panibagong daily record na 43,011 vaccines na naiturok sa loob ng isang araw at ito ay noong Lunes, July 5.

Bago ito, hindi tumigil ang vaccination program ng lungsod sa utos ni Moreno at nitong weekend ay nakapagturok ng may 42,649 vaccines noong Sabado (July 3) at 39,938 naman noong Linggo (July 4).

Inilunsad din ang night vaccination sa Divisoria, mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga upang mapagbigyan ang mga market workers, vendors at public utility vehicle drivers na hindi kayang magpunta sa mga vaccination sites tuwing umaga dahil sa magdamag na trabaho at nanghihinayang sa kanilang kikitain.

At sa utos din ni Moreno ay itinuloy ang mass vaccination program ng lungsod sa apat na malalaking shopping malls sa lungsod at sa 18 pampublikong paaralan at ngayon pati na sa private schools.

Dagdag pa dito, noong Huwebes isang mass vaccination ang ginawa sa isang hotel para lamang sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na papaalis na. May 1,000 OFWs ang nabakunahan, na ayon kay Moreno ay regalo ng lungsod sa mga OFWs para sila ay makapabalik na sa kanilang employers sa ibang bansa.

Ayon sa alkalde, dapat ay mas mabilis ang vaccination kaysa sa infection, dahil dito ay inutos ni Moreno na ang vaccination ay gawing 14-oras ang operasyon, mula alas- 6 ng umaga hanggang alas- 8 ng gabi.

Ang Maynila ang siyang nangunguna sa lahat ng lungsod at munisipalidad pagdating sa mabilis at maayos na pagbibigay ng bakuna. (ANDI GARCIA)

The post 125,598 vaccines, naiturok sa Maynila sa loob ng 3-araw — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
125,598 vaccines, naiturok sa Maynila sa loob ng 3-araw — Isko 125,598 vaccines, naiturok sa Maynila sa loob ng 3-araw — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.