Facebook

Bong Go muling umupak, tinawag si Trillanes na… ‘MR. FAKE NEWS’

BINANSAGAN ni Senator Christopher “Bong” Go si dating Senator Antonio Trillanes na “Mr. Fake News” dahil sa pag-iimbento ng mga akusasyon sa ngalan ng nalalapit na halalan.

Hinamon din ni Go si Trillanes na patunayan muna sa publiko na wala siyang bahid-dungis bago mambato ng putik o manira ng kapwa.

Sa isang panayam, sinabi ni Go na ang mga bintang ni Trillanes laban sa kanya at kay Pangulong Rodrigo Duterte ay dati na nilang nasagot at napatunayang walang katotohanan.

“Lumang tugtugin na ‘yan. Halatang sirang plaka itong si Trillanes. Noong September 2018, may mga akusasyon siya sa akin. Sa kakabintang niya sa akin, naging senador po ako,” sabi ni Go.

“Tingnan nyo, hubaran nyo ‘yan, makikita nyo napakadumi nyan. Siguro ang dugo nya, marumi pa sa acetic, ‘yung oil. Ganun po kalapot ang dugo ng taong ‘yan. Napakadumi ng budhi. Mag-iimbento ‘yan, ibig sabihin bloated po,” idinagdag ni Go.

Inaakusahan ni Trillanes si Go ng umano’y pandarambong ng bilyong piso mula sa mga proyekto ng gobyerno na in-award sa kanyang pamilya. Inilabas na rin ito ni Trillanes noong 2018 subalit hindi napatunayan at wala ring kaso na naisasampa.

“Walang bago sa akusasyon niya. Rehashed issue, fabricated o bloated na mga numero na ilang taong maling ipinagdudugtong para lumaki ang halaga to make it look as if may plunder o anomalya na nangyari when, clearly, these transactions went through public bidding and proper procurement procedures in accordance with our laws,” sabi ni Go.

“Eh wala naman po akong kinalaman diyan. Kahit ilang taon na pong lumipas iyan, wala naman po akong kinalaman diyan at wala po akong pakinabang diyan. Ni piso po wala po akong pakialam diyan,” idinagdag ng senador.

Sinabi ni Go na ang anomang lehitimong transaksyon ay hindi maikokonsiderang plunder.

“Naging mambabatas ka naman, Trillanes, at may mga abogado ka rin naman, paano naging plunder laban sa akin at kay Pangulong Duterte ang isang lehitimong transaksyon ng gobyerno na wala naman kaming kinalaman?” bangggit ni Go.

“Ako naman po sinagot ko na ‘yan. Tanungin nyo po ang mga tao dito sa city hall of Davao, 2001 po nagtrabaho ako dyan, di po nakakapasok ang aking mga magulang dyan. Sinabi ko sa kanila kapag kayo pumasok, magreresign po ako. That’s delicadeza,” anang senador.

Sinabi ni Go na puro kasinungalingan ang pinapakain ni Trillanes sa taumbayan na imbes makatulong ay nilalason lang niya ang isipan ng mga Pilipino para sa pansariling interes.

Aniya, bihasa si Trillanes sa pamumulot at paggamit ng mga lumang isyu lalo’t malapit na ang halalan.

“’Yung sinasabi niyang Joint Venture, ito’y isang paraan ng pag-implementa ng pribado at pampublikong proyekto na matagal na at naaayon sa batas. Dumadaan sa public bidding at pagsusuri ang mga ito upang masiguro na compliant at legal ang mga nais pumasok sa kontrata sa gobyerno,” ani Go.

Hinamon ni Go si Trillanes na magsampa ng kaso kung sigurado siya sa mga akusasyon.

“Mr. Fake News, Trillanes, huwag ka nang magpaliguy-ligoy pa. Kung tingin mong may korapsyon na nangyari, kasuhan mo para mapanagot. May proseso at hukuman na makapagpapatunay ng mga iyan. Huwag mo daanin sa istilo mong bulok,” ang hamon ni Go.

“Nagtatrabaho ako dito para magserbisyo sa aking kapwa Pilipino. Ikaw naasan ka, Mr. Fake news?,” pahabol pa niya.

The post Bong Go muling umupak, tinawag si Trillanes na… ‘MR. FAKE NEWS’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go muling umupak, tinawag si Trillanes na… ‘MR. FAKE NEWS’ Bong Go muling umupak, tinawag si Trillanes na… ‘MR. FAKE NEWS’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.