INAASAHAN na nalalapit na ang kanilang pagkagupo, inilunsad ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) ang kanilang plano na ‘OPLAN DELTA’ na papatay at sisira sa mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict partikular na ang mga taga-pagsalita nito.
Sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes, ibinunyag ni Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng task force sa larangan ng Social Media at Sectoral Concern, na ayon sa ‘intelligence report’ ang OPLAN DELTA ay plinano ng namumuno sa National United Front Commission (NUFC) ng CPP-NPA-NDF, na si Nathaniel Santiago sa Quezon City kamakailan lamang.
Kasama sa pulong na ito ay matataas din na opisyal ng communist terrorist groups (CTGs) gaya ni Maria Sol Taule na kumakatawan bilang tagapagtanggol ng mga NPA at ng partylist group na Karapatan.
Ayon kay Badoy, nasasaad din sa intel report na gumawa ng kada komite para sa kada taga-pagsalita ng NTF-ELCAC ang CTG upang makabuo ng plano kung paano gagawin ang kanilang propaganda laban at makakasira sa mga pagkatao ng mga taga-pagsalita ng task force na kabilang na ang paglilikida sa kanila.
“The committees in charge of me, Lt Gen Antonio Parlade Jr., Undersecretary Joel Egco and Atty. Marlon Bosantog were under special instructions to intensify their black propaganda and demolition jobs on us because they suspect we will be running for public office in next year’s elections,” ang pahayag ni Badoy.
Ang pagkakadiskubre sa Oplan Delta, aniya, ay hindi na bago sa kanila at ‘di nila ikinabigla, dahil ito ay pansamantalang nabantulot nang mahuli ng mga tropa ng pamahalaan ang mga ‘liquidation squad’ ng CPP-NPA-NDF sa Sta. Rosa, Laguna.
The post NTF-ELCAC ibinunyag ang ‘OPERATION DELTA’ ng CPP-NPA appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: