INIHAIN nina CIBAC Party-List Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domingo Rivera ang House Resolution 1913 para silipin ang naging implementasyon sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Kasunod ito ng pagkakapaso ng batas noong June 30 kung saan may natira pang P9 billion na pondo.
Ayon kay Deputy Speaker Villanueva, kailangan malaman kung bakit hindi agad nailabas ang pondo na kailangang-kailangan ng mga Pilipino sa gitna ng pandemiya.
Umaasa ang kinatawan na sa pamamagitan nito ay matutukoy ang bureaucratic bottleneck o kaya’y pagpapabaya kung mayroon man at ito ay solusyunan upang hindi na maulit.
Dagdag pa nito na makatutulong ang pagsisiyasat upang mabusisi rin ng Kongreso ang 2022 proposed budget para matiyak na ang lahat ng pondo na nakapaloob dito ay data-driven, need-based at tutugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Batay sa May 31 DBM report, kabilang sa mga hindi nagamit na pondo sa Bayanihan 2 ay ang stimulus package para sa agricultural sector, implementasyon ng digital basic education at subsidiya para sa mga qualified na mag-aaral, COVID-19 laboratory testing, pagkuha ng Human Resources for Health personnel operasyon ng COVID-19 facilities at dagdag na contact tracers. (Henry Padilla)
The post Naiwang pondo sa Bayanihan 2 pinasisilip sa Kamara appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: