NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng 5,392 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Lunes, Hulyo 5.
Batay sa case bulletin no. 478 ng DOH na inisyu dakong 4:00 ng hapon, dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na ngayon sa kabuuang 1,441,746 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa.
Gayunman, sa naturang bilang ay 3.6% na lamang o 51,594 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman.
Sa mga aktibong kaso naman, 91.1% ang mild cases; 3.8% ang asymptomatic; 2.1% ang severe, 1.57% ang moderate at 1.5% ang kritikal.
Samantala, nakapagtala rin naman ang DOH ng karagdagang 6,477 bagong gumaling sa sakit, kaya’t umaabot na ngayon sa 1,364,960 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 94.7% ng kabuuang kaso.
Mayroon rin namang 43 bagong namatay dahil sa kumplikasyon ng sakit. Dahil dito, umaabot na kabuuang 25,192 ang COVID-19 death toll ng bansa o 1.75% ng total COVID-19 cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 5,392 bagong kaso; 6,477 gumaling; 43 nasawi appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: