Facebook

Higit 2.86-M fully vaccinated na vs COVID-19

SINABI ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa mahigit 11.7 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok nila sa mga residente ng bansa hanggang nitong Linggo, Hulyo 4.

Ayon sa DOH, ito’y higit apat na buwan simula nang umpisahan nila ang bakunahan sa bansa noong Marso.

Sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang Hulyo 4 ay kabuuang 11,708,029 doses ng COVID-19 vaccines na ang naiturok nila sa mga residente ng bansa.

Sa naturang bilang, 8,839,124 ang first doses habang 2,868,905 naman ang second doses o fully-vaccinated na.

Kabilang sa mga bakunang itinuturok ng DOH ay Pfizer, Moderna, Sputnik V, Sinovac, at AstraZeneca.

Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng DOH ang mga eligible populations, na kabilang sa priority groups na A1 (health workers), A2 (senior citizen), A3 (persons with comorbidities), A4 (essential workers) at A5 (indigents) na magparehistro na sa kani-kanilang lokal na pamahalaan upang makapagpabakuna at mabigyan sila ng proteksiyon laban sa COVID-19.

Muli rin namang nagpaalala ang DOH sa publiko na anuman ang kanilang vaccination status ay dapat pa rin silang manatiling tumatalima sa ipinaiiral na minimum public health standards (MPHS) ng pamahalaan upang makaiwas sa virus.

Target ng pamahalaan na makapagbakuna ng 58 milyong katao sa bansa ngayong taon upang maabot ang population protection laban sa COVID-19. (Andi Garcia)

The post Higit 2.86-M fully vaccinated na vs COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Higit 2.86-M fully vaccinated na vs COVID-19 Higit 2.86-M fully vaccinated na vs COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.