KASAMA ang Pilipinas sa listahan ng International Trade Union Confederation (ITUC) sa 10 worst countries sa pagtrato sa mga manggagawa sa buong mundo.
Ayon sa report ng ITUC ang mga maituturing na dahilan para mapabilang sa worst country sa pagtrato sa mga manggagawa ang pang-aabuso ng pamahalaan at mga kumpanya sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng karapatang mag-strike, mag-organisa ng unyon at malayang pamamahayag.
Matapos ipalabas ang 2021 global rights index, binigyang-diin ni Sharan Burrow, general secretary ng ITUC na patuloy ang pag-atake sa mga manggagawa sa mga bansang Bangladesh, Belarus, Brazil, Colombia, Egypt, Honduras, Myanmar, Pilipinas, Turkey at Zimbabwe.
Nasa 149 na mga bansa ang isinailalim ng ITUC sa ika-walong edisyon nito ng global rights index. (Josephine Patricio)
The post Pilipinas pasok sa 10 worst countries na ‘di kumikilala sa karapatan ng mga manggagawa appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: