Facebook

DOH rumesbak kay Pacquiao: ‘Di kami bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire’

KLINARO ng Department of Health (DOH) na hindi sila bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire o mawalan ng bisa, kasunod na rin ng alegasyon ng korapsiyon ni Senator Manny Pacquiao.

Binigyang-diin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mahigpit na ipinagbabawal ng mga polisiya, protocol at batas ng pamahalaan ang pagbili ng mga gamot na malapit nang mapaso.

Ipinaliwanag niya na ang maaari lamang tanggapin o bilhin ng DOH ay yaong mga gamot na mayroon pang shelf life o tatagal pa ng mula 18 hanggang 24 buwan.

Sa panahon naman umano ng public health emergency gaya ng coronavirus pandemic, maaaring bumili ng mga gamot na mayroong 12-month shelf life.

“I can say na wala po kaming mga ganyan na nabibili na mga supplies or mga gamot because we are following the existing policies and laws of government,” ayon pa kay Vergeire sa isang press briefing.

Nauna rito, ibinunyag ni Pacquiao na may nagaganap na korapsiyon sa DOH, gayundin ang umano’y pagbili nito ng mga gamot na malapit nang sumapit sa expiration dates nito.

Nagsumite na rin ang DOH ng budget utilization reports kay Pacquiao at nagpahayag ng kahandaan na makipagtulungan sa isasagawang imbestigasyon sa kanila.

Sinabi rin ni Vergeire na sa ngayon ay patuloy pa rin silang naghihintay ng mga dokumento at mga tanong mula kay Pacquiao upang matugunan ang mga akusasyon nito ng korap-siyon. (Andi Garcia)

The post DOH rumesbak kay Pacquiao: ‘Di kami bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
DOH rumesbak kay Pacquiao: ‘Di kami bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire’ DOH rumesbak kay Pacquiao: ‘Di kami bumibili ng mga gamot na malapit nang ma-expire’ Reviewed by misfitgympal on Hulyo 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.