Hinimok ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga walang matakbuhan, walang makapitan at nawawalan ng pag-asa dahil sa malaking bayarin o gastusin sa ospital na lumapit lang sa Malasakit Center upang sila ay mapagsilbihan at matulungan ng pamahalaan.
“Lapitan niyo lang ang Malasakit Center at tutulungan kayo ng mga ahensya para wala na kayong babayaran sa ospital,” ayon kay Sen. Go matapos pangunahan ang pagbubukas ng ika-125 Malasakit Center sa Siargao District Hospital na ngayo’y tatawagin nang Siargao Island Medical Center matapos maisabatas ang inisponsorang panukala ng senador sa Senado noong nakaraang taon.
Itinuturing ito na malaking hakbang sa ginagawang pagsasaayos ni Bong Go na magkaroon ng access ang mga Filipino na nasa mga liblib na lugar sa serbisyong pangkalusugan.
“May pondong iniwan din si Pangulong Rodrigo Duterte para kung kaya ay maging ‘zero balance’ ang billing niyo. Kung kailangan niyo ng tulong, gaya ng pamasahe, pwede kayong lumapit sa DSWD rin dito,” ayon kay Go.
Ang Malasakit Centers program ay naging isa nang institusyon sa ilalim ng Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019 na pangunahing iniakda ni Senator Go. Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging ganap na batas noong December 2019.
“So far, we have assisted around two million … wala itong pinipili na pasyente. Para ito sa mga Pilipino lalo na sa mga poor at indigent patients,” anang senador.
“Sa mga helpless, hopeless at walang matakbuhan, dito kayo pumunta sa Malasakit Center dahil para ito sa inyo. Kapag hindi kayo tinulungan, sabihin niyo ‘hoy, Pilipino ako. Karapatan ko ito’,” idiniin ni Go.
“Sinabi ko talaga na pupunta ako dito sa Dapa (town) para mabuksan at magamit na ng mga pasyente, lalo na ng mga nangangailangan ng tulong, ang Malasakit Center na ito,” aniya.
Ang pang-125 Malasakit Center ay pangalawa sa probinsiya at ikatlo sa Caraga region, kasunod ng nasa Caraga Regional Hospital sa Surigao City at sa Butuan Medical Center sa Butuan City, Surigao del Sur.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na maraming pasyenteng Filipino na walang health insurance coverage ang kalimitang nagiging kaawa-awa dahil walang pambayad sa kanilang medical bills.
Ngunit ngayon, sa pamamagitan ng Malasakit Center ay natutulungan ang mga pasyente sa kanilang pagpapagamot at medikasyon nang wala nang aalalahanin dahil sasaluhin na ito ng pamahalaan.
Pinagsama-sama ng Malasakit Center sa iisang bubong ang mga ahensiya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office na pawang may programa sa pagbibigay ng medical at financial assistance sa lahat ng Filipino na nangangailangan.
Bukod sa Malasakit Center, si Sen. Go rin ang nagsulong at nagpursige na maisabatas ang pagpapabuti sa mga gamit o kapabilidad ng mga pampublikong ospital.
“Dumaan ako sa butas ng karayom para ipaglaban ang mga batas para i-upgrade ang mga pampublikong ospital natin dahil alam ko ang mga mahihirap ang makikinabang dito. Minsan may mga ospital na umaabot ng 400% ang occupancy rate. Sa isang kama, may apat na pasyente. Paano sila gagaling kung ganyan ang sitwasyon?”
“Hindi ako ‘yung klase na pulitiko na mangangako ng hindi ko kaya gawin. Pero makakaasa kayo na magseserbisyo ako sa abot ng aking makakaya. Sa mga doctors, nurses at iba pang frontliners dito, ‘wag kayong mag-alala dahil ipaglalaban ko kayo,” ayon sa mambabatas.
“Kung kailangan niyo ng tulong para magpagamot sa Maynila …hindi niyo na kailangan mag-alala sa gastusin. Gagawin namin ang lahat maka-salba ng buhay. Tutulungan namin kayo, lalo na ang mga sa far-flung areas, gaya ng Siargao Island, kung saan nakahiwalay ang lugar at mahirap mag-avail ng medical services,” wika ni Go.
Samantala, hinikayat ni Go ang mga resudente na magpabakunan naalinsunod sa national vaccine program guidelines.
The post 125th Malasakit Center binuksan sa Siargao Island appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
125th Malasakit Center binuksan sa Siargao Island
Reviewed by misfitgympal
on
Hulyo 10, 2021
Rating:
Walang komento: