Facebook

MANGINGISDA’T MAGSASAKA SA SIARGAO ISLAND INASISTEHAN NI GO

Bilang pagmamalasakit sa iba’t ibang sektor na lubhang naapektuhan ng pandaigdigang pandemya ay daan-daang mga mangingisda at magsasaka sa Dapa at San Isidro, Siargao Island, Surigao del Norte ang pinadalhan ng asiste ni Senator Christopher “Bong” Go nitong July 1 ng kasalukuyang taon.
Ang mga staff ni Go ay nagsagawa ng pamamahagi sa magkahiwalay na lugar sa San Isidro Elementary School, San Isidro at sa Dapa Municipal Gym,  Dapa na may tig-isandaang benepisaryo sa bawat lugar ang nabiyayaan. Bahagi sa ipinaiiral na health protocols ay binahagi sa mas maliliit na grupo ang mga benepisaryo nang  pamahagian sila ng masks, face shields, vitamins at gayundin ng mga pagkain at iba pang mga ayuda tulad ng.mga bagong pares ng sapatos sa mga piling benepisaryo, bisekleta at computer tablets para sa mga anak ng mga ito na nagsisipag-aral.

 

“Mga kababayan ko, there is light at the end of the tunnel. Ang target po natin makamtan ngayong taong ito ay population protection at herd immunity po para naman po unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” pahayag ni Go sa kaniyang video message.

 

Pinaalalahanan din ni Go ang mga benepisaryo sa kahalaghan ng pag-iingat sa kalusugan tulad ng laging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng masks at face shields kapag nasa mga pampublikong lugar at panatilihin ang social distancing gayundin ang limitahan lamang ang mga pagbibiyahe.

 

Tiniyak din ni Go sa publiko na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng pamamaraan para sa mga pagbabakuna na ngayon ay sinesentruhan na ang mga economic frontliner at sa mga mahihirap na sektor. Hinikayat nito na ang lahat ay dapat magpabakuna kapag nasa kanilang lugar na ang mga pambakuna alinsunod sa national vaccination program guidelines.

 

“Mga kababayan ko, habang patuloy na pong dumarating ang mga bakuna, pakiusap lang ho namin ni Pangulong Duterte, magtiwala ho kayo sa bakuna. Huwag ho kayong matakot sa bakuna. Mga kababayan, magtulungan lang tayo. Alam kong mahirap ang panahon ngayon, magkakapitbahay lang tayo taga-Mindanao rin kami. Alam kong mahirap ang panahon ngayon, marami ang naghirap kaya magtulungan lang tayo,” pahayag ni Go.

 

“Mga kababayan, magtulungan lang tayo. Alam kong mahirap ang panahon ngayon, magkakapitbahay lang tayo taga-Mindanao rin kami. Alam kong mahirap ang panahon ngayon, marami ang naghirap kaya magtulungan lang tayo,” dagdag pa ni Go.

 

Ilang mga government agencies din ang nagbigay asisteng pinansiyal sa mga benepisaryo tulad ng Department of Social Welfare and Development at ang Department of Agriculture naman ay namahagi ng mga vegetable seed.

 

Ang representatives naman ng Department of Trade and Industry at ang Department of Labor and Employment ay nagsagawa ng assessment sa mga kuwalipikadong individual na makabahagi ng livelihood programs. Scholarahip at livelihood trainings naman ang ipagkakaloob ng Technical Education and Skills Development Authority sa mga benepisaryo.

 

Sa pamamagitan naman ng Aid and Humanitarian Operations Nationwide (AHON) Convergence Program sa koordinasyon ng Presidential Communications Operations Office ni Secretary Martin Andanar ay nagkaloob din ng karagdagang suporta sa mga benepisaryo.

 

Si Go na siyang Chair of the Senate Committee on Health ay umasiste rin sa pangkalusugan ng mga benepisaryo na pinayuhan ang mga itong makakatanggap sila ng medical assistance mula sa Malasakit Centers sa region, na nitong July 3 ay personal na dinaluhan ni Go ang naging pasinaya sa Malasakit Center sa Siargao Island Medical Center sa bayan ng Dapa.

 

Noong 2018 unang inilunsad ang Malasakit Center na nakapaloob dito ang iba’t ibang ahensiya tulad ng DSWD, Department of Health, Philippine Charity Sweepstakes Office para sa mabilisang pag-asiste sa mga medical bills ng mga pasyente.

 

“Para talaga ‘yan sa mga poor and indigent patients, lapitan niyo lang ang Malasakit Center na malapit sa inyong lugar. At kung mayroon kayong mga pasyente na kinakailangan ng tulong sa Manila, sa Heart Center ay magsabi lang kayo tutulungan namin kayo,” saad Go.

 

Bahagi sa pagsuporta upang mapayabong ang economic development ng Dapa at San Isidro ay umasiste si Go sa pagpondo sa iba’t ibang improvement projects tulad ng construction of flood control embankment sa Dapa, pagpapalapad ng San Isidro Bridge sa San Isidro at maraming iba pa.

 

Inisponsoran din ni Go ang mga panuntunan sa Republic Act No. 11500 na naglalayong mapaunlad ang kapabilidad ng Siargao Island Medical Center. Ang batas na ito ay magiging 100 bed capacity na ang hospital mula sa dati nitong 50-bed capacity lamang at may mandato rin para sa upgrade ng professional healthcare services at maparami pa ang mga medical personnel.

The post MANGINGISDA’T MAGSASAKA SA SIARGAO ISLAND INASISTEHAN NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MANGINGISDA’T MAGSASAKA SA SIARGAO ISLAND INASISTEHAN NI GO MANGINGISDA’T MAGSASAKA SA SIARGAO ISLAND INASISTEHAN NI GO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.