Facebook

Bong Go, tutol na ibasura ang licensure examinations

TINUTULAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang panukala na ibasura o huwag nang magkaroon ng licensure exams, partikular sa nursing at law graduates, sa pagsasabing maaari itong makaapekto sa kalidad ng edukasyon at standards na itinakda sa mga propesyon sa bansa.

“Hindi po ako sang-ayon diyan dahil mayroon tayong sinusunog na, kumbaga, alam mo quality o anuman po na… kailangan po pumasa sila sa standard,” sabi ni Go sa ambush interview sa kanya sa groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police Housing Project sa Pulangbato, Cebu City kamakalawa.

“Nag-aral tayo, pagkaaral natin kailangan po mag-exam sila at malalaman kung pwede na nilang gampanan ‘yung kanilang propesyon na natapos,” ani Go.

Kamakailan ay inilutang ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang ideya na alisin na ang mandatory board exams sa nurses at iba pang propesyon sa katwirang ang mga mag-aaral ay sumailalim naman na sa iba’t ibang pagsusulit sa paaralan.

Sinabi ni Go na mayorya mismo ng mga estudyante na nakakuha na ng board exams ay tututol sa suhestyon.

“Eh mahirap po na porke naka-graduate ka hindi ka na papasok ng board o bar exam. Hindi po, mahirap, hindi po ako sang-ayon dun,” sabi ni Go.

“And I’m sure majority of our students and also mga professionals nakapag-bar at nakapag-board exam ay hindi po sang-ayon dito,” dagdag niya.

Matatandaan na umapela si Go sa pamahalaan na isama na ang frontliners ng Professional Regulation Commission, gaya ng proctors at watchers ng darating na professional board exams, gayundin ang board examiners sa A4 priority group para sa COVID-19 vaccination.

Ito ay upang maayos nilang magagampanan ang kanilang tungkulin nang maayos, ligtas at protektado laban sa COVID-19.

“Kaya nga po ako mismo, bilang Senate Committee Chair on Health, ay pinakiusapan ko po ang IATF na bigyan po ng bakuna kaagad ‘yung mga PRC examiners para hindi na po ma-postpone ‘yung examinations nila,” ani Go.

“Binakunahan na po ‘yung PRC examiners para po makapag-conduct na sila ng examinations sa mga nurses. Eh, ganun din po gawin natin, kung kailangan bakunahan ‘yung mga examiners and even the examinees ay bakunahan para po protektado sila. Bigyan po natin ng prayoridad,” idinagdag ng senador.

The post Bong Go, tutol na ibasura ang licensure examinations appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go, tutol na ibasura ang licensure examinations Bong Go, tutol na ibasura ang licensure examinations Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.