Facebook

Manila COVID-19 Field Hospital, nagrehistro ng 100% success rate — Isko

NAGREHISTRO ng 100 percent success rate ang Manila COVID-19 Field Hospital (MCFH) buhat ng magsimula ang operasyon nito noong June 25.

Ito ang iniulat ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng pagbati at pasasalamat niya sa direktor nitong si Dr. Arlene Dominguez pati na rin sa mga doctors, nurses at staff na nasa likod ng matagumpay na operasyon nito sa pangangalaga ng mga pasyenteng may COVID.

“Maraming salamat sa inyo, naitatawid natin at naililigtas natin ang ating mga kababayan sa naka-ambang panganib na maaring magdulot ng kamatayan ang impeksyon ng COVID kaya congratulations sa mga staff natin diyan. Sana magtuloy-tuloy lang ‘yan.. dasal-dasal lang,” sabi ni Moreno.

Nabatid na mula sa 344 COVID beds ng MCFH, 65 lamang nito ang okupado na katumbas ng 19 percent occupancy rate.

Hanggang noong July 9 simula ng mag-umpisa ang pandemya, sinabi ni Moreno na ang kabuuang kumpirmado kaso sa lungsod ay nasa 1,150, may 64,336 recoveries habang 1,227 ang nasawi.

Ang quarantine facilities nagrehistro ng one percent occupancy rate kung saan 12 mula sa 870 kama ang okupado.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang naman na na-swabbed ay 130,747.

Muli ay inulit ng alkalde ang kanyang panawagan sa mga Manileño na ipagpatuloy ang pagiging responsable sa kanilang sarili para sa kanilang pamayanan, lungsod at bansa.

Binigyang diin ni Moreno na hanggang may aktibong kaso ng COVID at may namamatay dahil dito ay may pangangailangan tayong ituloy ang pagsunod sa health protocols, lalo na ang tamang pagsusuot ng facemasks kapag nasa labas ng bahay, paghuhugas ng kamay at social distancing. (ANDI GARCIA)

The post Manila COVID-19 Field Hospital, nagrehistro ng 100% success rate — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manila COVID-19 Field Hospital, nagrehistro ng 100% success rate — Isko Manila COVID-19 Field Hospital, nagrehistro ng 100% success rate — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.