Facebook

5,675 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA

ANG Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng 5,675 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 7,552 na gumaling at 96 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.4% (49,968) ang aktibong kaso, 94.8% (1,391,335) na ang gumaling, at 1.76% (25,816) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong July 8, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 0.7% sa lahat ng samples na naitest at 0.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: https://ift.tt/3kEXxbI. (ANDI GARCIA)

The post 5,675 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
5,675 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA 5,675 NA DAGDAG KASO NG COVID-19, NAITALA Reviewed by misfitgympal on Hulyo 10, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.