Sen. Go dumalo sa groundbreaking ceremony ng joint housing project ng AFP at PNP; tiniyak ang suporta sa military at police personnel
TINIYAK ni Senador Christopher “Bong” Go na higit pang palalakasin ang housing initiatives para sa mga military at police personnel sa bansa sa isang groundbreaking ceremony para sa ‘soon-to-rise’ na joint housing project para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police sa Cebu City na isinagawa nitong Biyernes.
Ang seremonya na idinaos sa South Park Residences sa Barangay Pulangbato ay personal na dinaluhan ng Senador, kasama sina Presidential Assistant for the Visayas Michael Lloyd Dino, at National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr.
“It is an honor to join you for this groundbreaking ceremony … The soon-to-rise South Park Residences here in Cebu City, which is specifically built for our uniformed personnel and government employees, is a testament to how much the government values their service, sacrifice and dedication to our country,” ani Go.
“Ang kanilang hindi-matatawarang serbisyo sa ating bayan ang nagsisilbing inspirasyon sa amin ni Pangulong (Rodrigo) Duterte, kasama ng mga kapwa-kawani sa gobyerno, na tumbasan ang kanilang pagsasakripisyo. Kaya sinusubukan naming bumawi sa pamamagitan ng pagsulong at pagtupad ng mga programa at proyektong gaya nito para sa kanilang kapakanan,” pagpapatuloy pa niya.
Nabatid na ang naturang proyekto ay bahagi ng Government Employees Housing Program ng NHA. Binubuo ito ng tatlong residential buildings na may 850 two-bedroom units, commercial facilities, community amenities, landscaped gardens, at isang tree-lined road network sa isang development area na tinatayang mayroong 2.1 hektarya.
Ang naturang proyekto ay inaasahang matatapos sa Pebrero 2023 at mayroong total budget na P 1.6 bilyon.
Sa kanyang mensahe, tiniyak rin ng senador ang kanyang commitment na siguruhing ang mga nagsisilbi sa gobyerno o nakapagsilbi sa AFP at PNP, at ang kanilang pamilya, ay tinatrato ng may respeto at dignidad at hindi magdurusa sa disadvantage dahil sa kanilang serbisyo.
“Makakaasa kayo na patuloy naming susuportahan ni Pangulong Duterte ang lahat ng mga programa at inisyatibo na naglalayong mapabuti ang pamumuhay ng ating mga kasundaluhan, pulis, at mga kawani ng gobyerno. Asahan niyo na patuloy kaming magsisikap para sa inyo sa abot ng aming makakaya hanggang matapos ang aming termino,” aniya pa. (Mylene Alfonso)
The post Sen. Go dumalo sa groundbreaking ceremony ng joint housing project ng AFP at PNP; tiniyak ang suporta sa military at police personnel appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: