NAGTAMO ng tama ng bala ng baril sa ulo at leeg ang dalawang forest rangers sa Masungi Georeserve.
Ayon sa Masungi Georeserve Foundation, nakapuwesto ang dalawang biktima na hindi pinangalanan sa isang reforestation site sa Sitio San Roque, Barangay Pinugay, Baras, Rizal.
“One ranger was shot in the head and the other was shot in the neck. They are now being treated with first aid and are preparing to transfer to another hospital,” anang foundation sa pahayag nitong Linggo.
“We are devastated and enraged by this heinous act of violence and attempted murder against forest defenders,” patuloy nito.
Ilang pagbabanta at panggigipit na ang natatanggap ng mga namamahala sa Masungi Georeserve mula sa “disgruntled violators.”
Naipaalam na anila nila ito sa mga awtoridad.
“We beg for immediate security assistance and action against land grabbers, professional squatters, and illegal encroachers inside the Upper Marikina Watershed,” ayon sa foundation.
Tiniyak naman ni PNP Chief, General Guillermo Eleazar, na iimbestigahan nila ang insidente at tutugisin ang mga salarin.
Plano rin niyang magsagawa ng training program para sa forest rangers.
The post 2 forest rangers binaril appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: