Facebook

‘Wala pang final na listahan si Duterte sa senatorials bets sa 2022 eleksyon’ – Sen. Go

NILINAW ni Senator Christopher “Bong” Go na wala pang final na listahan si Pangulong Rodrigo Duterte para sa senatorials bets sa nalalapit na eleksyon.

“Mayroon pong mga siyam na cabinet members, mayroon pong mga re-electionist, at mayroon din pong mga come-backing senators na gusto pong luminya sa ating mahal na Pangulo. At mayroon din pong mga baguhang pangalan na gusto pong sumama sa Senate slate ng ating mahal na Pangulo,” ayon sa statement ni Go.

Sa press release idinagdag pa ni Sen. Go ito’y batay sa inisyal na pagpupulong na pinangasiwaan ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, PDP-Laban vice president for the Visayas sa isinagawang diskusyon ng party member.

“Sa aking personal na opinyon, pipili si Pangulong Duterte ng mga kandidato na naka-linya sa legislative agenda na hangaring maipagpatuloy yung mga magagandang pagbabago na nasimulan ng ating mahal na Pangulong Duterte,” dagdag pa ni Go .

“At higit sa lahat, pipiliin niya ‘yung mga taong inuuna parati ang kapakanan ng taumbayan at yung intensyon na makapagserbisyo lalo sa sambayanang Pilipino,” ani pa ng senator.

Ayon pa sa senator sa kasalukuyan si Pangulong Duterte ay kasalukuyan nasa kanyang huling taon ng panunungkulan at nakasentro ang pangulo sa pagharap ng bansa sa Covid-19 response at sa economic recovery measures.

“Ito muna ang pagtuunan natin ng pansin. Bakuna muna, bago ang politika,” ani pa nito .

Kaugnay nito ayon naman kay Evardone, ang inisyal na list kabilang si Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, Presidential Spokesperson Harry Roque, Transportation Secretary Arthur Tugade, Labor Secretary Silvestre Bello III, at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Samantala kabilang din umano sa listahan si House Deputy Speaker Loren Legarda, Information and Communications chief Gregorio Honasan II, Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, former senator JV Ejercito, Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos, Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica, at Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.

Kaugnay nito ang personalidad na si Willie Revillame at Robin Padilla at broadcaster Raffy Tulfo ay kabilang din umano sa listahan na posibleng senatorial candidates. (Boy Celario)

The post ‘Wala pang final na listahan si Duterte sa senatorials bets sa 2022 eleksyon’ – Sen. Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Wala pang final na listahan si Duterte sa senatorials bets sa 2022 eleksyon’ – Sen. Go ‘Wala pang final na listahan si Duterte sa senatorials bets sa 2022 eleksyon’ – Sen. Go Reviewed by misfitgympal on Hulyo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.