Facebook

2 lalaking nanakawan ang money vending machine, napigil ng jeepney driver at bgy. tanod

NAPIGIL ang tangkang pagnanakaw ng dalawang lalaki mula sa isang money vending machine nang isumbong ng jeepney driver na nagkataon pumarada sa convenience store sa Bacoor, Cavite.

Sa ulat, makikita sa CCTV ng Barangay San Nicolas 3 ang pagparada ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo sa harap ng convenience store.

Nakiramdam muna sila sa paligid, bago tangkain buksan ng isa ang rollup door ng convenience store gamit ang bolt cutter. Nakapasok ang lalaki matapos niya itong buksan, at lumabas na dala ang isang money transfer machine.

Nilagay ito ng lalaki sa gilid. Muli siyang nagmasid bago niya sinimulang buksan ang money transfer machine.

Gayunman, may pumaradang jeep malapit sa convenience store, at napansin ng driver nito ang ginagawa ng lalaki.

Tumawag ang jeepney driver sa kumpare niyang barangay tanod.

“Uuwi na siya (jeepney driver), pagpunta niya roon may tao, nagbubukas ng machine. Eh natakot. Sabi sa kaniya, ‘Bibigyan nalang kita ng pera.’ Ang ginawa niya, tinawag niya si lolo Randy ko,” sabi ni Rio Vasquez, tanod ng Bgy. San Nicolas 3.

Agad namang nirespondehan ni Vasquez ang insidente kahit naka-off duty.
Nang makita ni Vasquez ang kakaibang kilos ng lalaki, hinabol niya ito ng hampas gamit ang batutang bakal.

Tumakbo ang lalaki papalapit sa kasabwat niyang naka-motor.

Hinabol ni Vasquez at ng jeepney driver ang lalaki, pero umatras sila nang makitang bumunot na ng baril ang isa sa mga ito.

Tuluyang nakatakas ang mga salarin, pero walang natangay mula sa money transfer machine na may lamang P80,000.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang magnanakaw.

The post 2 lalaking nanakawan ang money vending machine, napigil ng jeepney driver at bgy. tanod appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 lalaking nanakawan ang money vending machine, napigil ng jeepney driver at bgy. tanod 2 lalaking nanakawan ang money vending machine, napigil ng jeepney driver at bgy. tanod Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.