Facebook

Lolo pinatay ng tandem sa harap ng misis

CAGAYAN – Pinatay ang isang lolo ng riding sa harap ng kanyang misis sa Barangay Culung, Tuao dito sa lalawigan.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Balacano, 69 anyos, residente sa naturang barangay.

Sa report, mismong sa harapan ng kanilang bahay binira ang biktima habang kaharap ang misis na si Criselda Balacano, 63, na nag-uusap sa gilid ng kalsada.

Ayon sa ulat, sumulpot ang mga salarin na naka-helmet sakay ng scooter na walang plaka st malapitang pinagbabaril ang mag-asawa.

Maswerte ang babaeng Balacano dahil nakaligtas siya sa panganib na pamamaril.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng mga hindi pa nakilalang mga salarin.(Rey Velasco)

The post Lolo pinatay ng tandem sa harap ng misis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Lolo pinatay ng tandem sa harap ng misis Lolo pinatay ng tandem sa harap ng misis Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.