SA huling SONA ni Pangulong Rody “Digong” Duterte noong Lunes (Hulyo 26, 2021), pinatutsadahan niya ang posibleng mabigat na makakabangga ng kanyang iendorso sa pagkapangulo sa Halalan 2022.
Hindi man binanggit ni Digong ang pangalan ng politiko, halata namang si Manila Mayor “Yorme” Isko Moreno (Francisco Domagoso) ang kanyang tinutukoy nang inanunsyo niyang isang politiko pinapila ang mga babakuna-han, inabutan ng baha, pinabayaan. Nag-aalala raw siya na baka magkasakit ang mga ito. Hanep… concerned!!!
Sa totoo lang, mga pare’t mare, sa higit 4 million nang fully vaccinated sa Pilipinas, higit 1 million dito ay turok ng local government ng Maynila. Yes! Araw-araw, walang puknat ang mass vaccination sa lungsod, umulan man o umaraw, may bagyo o lindol man, tuluy-tuloy ang pagbabakuna sa halos 30 vaccinations sites sa Maynila mula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi, maliban pa rito ang pagbabakuna sa drivers at vendors overnight. Maynila lang ang gumagawa nito, si Yorme!
Kaya naman si Yorme ay dikit na pumapangalawa sa mga survey para sa presidentiables, sa likod ng nangungunang anak ni Digong na si Davao City mayor Sara Duterte-Carpio, na ginagamit ang mga makinarya ng gobyerno sa pag-iikot at pagpaskil ng kanilang tarpaulins na ‘Run Sara, Run’.
Dahil si Yorme nga ang posible na mahigpit na makaka-laban ng iendorso ni Digong na papalit sa kanya pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30, 2022, inuumpisa-han niya na itong wakwakin ngayon. Ang sama!
Kita nyo rin ang ginagawa niya kay boxing senator Manny Pacquiao, nang makita niyang pumapangatlo rin sa survey ito ay kinutya ng todo-todo. Mag-aral daw muna si Pacquiao. Hindi raw ito nagbabasa. Sasabihin niya raw sa mga tao kung ano ito noon. Tsk tsk tsk… Parang hindi presidente ng bansa ano? Ewan!
Kaya tama nga siguro na mag-tandem itong sina Isko at Pacquiao tutal sila ang winawakwak ngayon ni Digong eh. Mag-tandem sila para mas malakas. Mag-usap nalang sila kung sino ang para sa Presidente. Tapos kunin nilang senador ang mga astig at may alam sa batas tulad nina Trillanes, Chel Diokno, Kiko Pangilinan, Dick Gordon, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Liela de Lima, Mark Villar. Si Frank Drilon pa sana kaso ‘di na ito puede. Magreretiro na raw ito sa politika.
Si Vice President Leni Robredo, hindi pa tayo sigurado kung tutuloy ito sa pagtakbo. Mukhang nahihirapan ang ale sa pondo eh. Wala raw siyang salapi para sa pangangampanya. Problema nga! Puede siguro mag-senador nalang siya.
Anyway, wait and see muna tayo hanggang Setyembre, isang buwan bago ang filing ng Certificate of Candidacy. Next next month na ito, bayan! Tututukan!!!
***
Kinontra ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang sinabi ni Pangulong Digong sa SONA na tinanggal nito ang 43 personnel sa airport na sangkot sa ‘pastillas’scam.
“I have ‘yung pastillas (scam) sa ano, sa airport. There were 43 personnel involved. I fired them all. Talagang pinaalis ko sa gobyerno. Nagbalot pa nga ako ng pera sa pastillas. Sabi ko kay… ‘Magbalot ka, lagyan mo ng pera kay ito ang ipakain ko sa kanila.’”
Pero sabi ni Guevarra: “No, they were not fired or dimissed, precisely because the investigation of their cases is still going on.”
Now, sino paniniwalaan ninyo: Si Digong o si Guevarra? Gud day!!!
The post Si ‘Yorme’ naman ang target ni ‘Digong’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: