Facebook

Anak ng opisyal ng MNLF patay sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang anak ng isang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Datu Qudzi Simpal, 25 anyos, government employee at taga-Barangay Upper Capiton, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Sugatan din ang driver ng traysikad o “payong-payong” na si Muhidin Kamid, habang nakaligtas ang kasintahan ni Simpal.

Ayon sa ulat ng Datu Odin Sinsuat PNP, sakay ang mga biktima sa traysikad sa bahagi ng national highway sa kanto ng Broce papasok ng SPDA sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat nang dinikitan ang mga ito ng riding in tandem criminals at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa direksyon ng Cotabato City.

Patay kaagad si Simpal na tinamaan sa ulo at likod.

Ang nasawi ay anak ng isang mataas na lider ng MNLF sa ilalim ng grupo ni Prof Nur Misuari.

The post Anak ng opisyal ng MNLF patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Anak ng opisyal ng MNLF patay sa ambush Anak ng opisyal ng MNLF patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.