UMABOT na sa 6,165 katao ang nasawi sa mga isinagawang ‘anti-drug operations’ mula nang ilunsad ng pamahalaan ang kampanya kontra iligal na droga.
Sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakapagsagawa na ng 207,007 anti-drug operations at pagkakadakip sa 298,348 katao mula July 1, 2016 hanggang June 30, 2021.
Nasa 12,608 high value target ang nadakip na kinabibilangan ng 307 foreign nationals, 386 elected officials, 119 uniformed personnel, 489 government employees 3,575 target listed individuals, 783 drug group leaders at members, 72 armed group members, 1,264 drug den maintainers, 273 sa wanted lists, 22 celebrities at Professional Regulatory Commission license holders, 5,318 individuals arrested mula sa puspusang kampanya.
Nagkakahalaga ng P61.69 billion ng mga iligal drug ang narekober na kinabibilangan ng P50.94 billion ng shabu na mayroon timbang na 8,077 kilograms, 6,378 kilograms ng marijuana leaves, 523 kilograms ng cocaine, at 123,738 piraso ng ecstasy tablets.
Nasa 3,800 minors na sangkot sa operasyon ng iligal drugs na kinabibilangan ng 932 possesor, 2 runners, 416 users, 1 lab employee, 14 drug den employees, 9 drug den maintainers, 197 visitor ng drug dens, 2 cultivators, at 2,227 pusher.
Umabot naman sa 832 drug dens at laborstory ang nadiskubre at nabuwag.
Samantala, nasa 22,461 barangays ang drug-free habang 12,852 barangays ang patuloy na infected ng iligal na droga.(Mark Obleada)
The post 6,165 NA ANG NAPATAY SA ANTI-ILLEGAL DRUG OPS! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: