Facebook

2 tulak tigok sa drug ops sa Cotabato

TODAS ang dalawa katao at dalawa ang naaresto sa inilunsad na law enforcement support operation sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga napatay na sina Ronnie Mangansakan at kanyang anak na si Banji Mangansakan.

Naaresto naman sina Gotires Antipolo at Nissan Mangansakan, mga residente ng Barangay Macasendeg, Pikit, Cotabato.

Ayon kay 602nd Brigade commander B/Gen. Roberto Capulong, nagsagawa ng anti-illegal drugs at search warrant operations ang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) katuwang ang 34th Infantry Battalion Philippine Army, 90th IB at Pikit MPS laban sa mag-amang Mangansakan. Papalapit palang ang raiding team sa kuta ng target nang sila’y salubungin ng mga putok, dahilan para rumesbak ang mga awtoridad at nasawi ang mag-ama.

Narekober sa mga suspek ang dalawang M16 Armalite rifles, dalawang M14 rifles, isang M79 grenade launcher, mga bala, mga magazine at 200 grams na shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon.

Sa report, may warrant of arrest mula sa korte ang mga suspek na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga, illegal possession of firearms at iba pa.(Mark Obleada)

The post 2 tulak tigok sa drug ops sa Cotabato appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 tulak tigok sa drug ops sa Cotabato 2 tulak tigok sa drug ops sa Cotabato Reviewed by misfitgympal on Hulyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.