ARESTADO ang isang babaeng sangkot sa rent-tangay modus sa entrapment operation ng pulisya sa Santa Rita, Pampanga nitong Lunes.
Kinilala ang nadakip na si Myra Dizon, residente ng Angeles City.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), personal na humarap sa tanggapan nila ang ilang nabiktima ni Dizon. Modus niya ang magrenta ng sasakyan at pagkatapos hindi na ito makontak.
Bukod sa hindi pagbabayad ng renta, hindi na rin naibabalik ang mga sasakyan sa mga may-ari.
Ayon pa sa mga nabiktima, bukod sa paggamit ng ibang pangalan, nagpapakilala rin itong may mga ari-arian, ahensiya, negosyo at iba pa.
Nakuha mula kay Dizon ang iba’t ibang ID na may iba’t ibang pangalan ngunit iisang larawan, mga pekeng official receipt at certificate of registration ng mga sasakyan na nakapangalan sa kanya at 3 unit ng sasakyan.
Nasa kustodiya ng CIDG Pampanga si Dizon.
The post Babaeng sangkot sa rent-tangay modus huli sa Pampanga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: