Facebook

3 patay sa sumengplang na motorsiklo

NASAWI anG tatlong tao nang tumilapon sa sinasakyan nilang motorsiklo nang bumaliktad ito habang binabagtas ang pakubardang daan sa Tabina, Zamboanga del Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina Juven Glenn Olivar, 24 anyos; Glady Joyel (backrider), 25; at Karl Jay Berdos (backrider), 21, pawang taga-Barangay Bayabaya, Tabina.

Ayon kay Major Shellamie Chang, spokeperson ng PRO9, 8:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa Purok San Jose, Bgy Manicaan, Tabina.

Sa report, sakay ang mga biktima sa isang kulay pulang/itim na Honda Honda XRM 125 na minamaneho ni Olivar galing Bgy. Bagajian patungo sa Bgy. Manicaan. Pagsapit sa pakurbadang daan, nawalan ng kontrol sa manible si Oliver at gumewang- gewang ang motorsiklo dahil sa mabilis na takbo, tumilapon ang mga biktima sa mabatong lugar ng kalsada.

Nabatid na galing sa inumam si Olivar at isa sa mga backrider bago naganap ang aksidete. (Mark Obleada)

The post 3 patay sa sumengplang na motorsiklo appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 patay sa sumengplang na motorsiklo 3 patay sa sumengplang na motorsiklo Reviewed by misfitgympal on Hulyo 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.