NASA 23 bahay sa tabing dagat ang nasira sa malalakas na alon bunsod ng masamang panahong dala ng hanging habagat ng Tanza, Cavite.
Ito ang iniulat ng Tanza Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa ulat, hinampas ng malalakas na alon ang mga bahay sa tabi ng dagat sa Barangay Amaya 5, Capipisa at Calibuyo.
Nasa walong bahay din ang naiulat na partially damaged.
Iniulat din ng TMDRRMO na higit 700 indibidwal naman ang inilikas o katumbas ng higit 200 pamilya dahil sa pagbaha at malakas na alon.
Siniguro ng pamahalaang lokal ng Tanza na sapat ang kanilang tulong lalo na sa pagkain at tubig na kanilang ipinaaabot sa mga residenteng nagsilikas lalo na sa ilang mga bata na sinisipon at inuubo na kanila nang binigyang ng mga gamot.
Nagsagawa naman ang health office ng Tanza ng Covid-19 testing sa mga nasa evacuation center nitong Lunes.
The post 23 bahay winasak ng alon sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: