NASA mahigit 1.5 milyon ang total cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa case bulletin no. 490 na inilabas ng Department of Health (DOH) dakong 4:00 ng hapon, nabatid na nakapagtala pa sila ng panibagong 6,040 bagong COVID-19 cases nitong Sabado.
Sanhi nito, umaabot na ngayon ang total COVID-19 cases sa bansa sa 1,502,359.
Gayunman, sa naturang bilang, 47,257 na lamang o 3.1% ang aktibong kaso.
Kabilang sa mga aktibong kaso ang 91.8% na mild cases, 2.7% severe, 2.0% na asymptomatic, 1.89% moderate at 1.6% na critical cases.
Samantala, ang total recoveries ng sakit ay umakyat rin naman sa 1,428,504 o 95.1% ng total cases, matapos na makapagtala ng 7,213 pasyente pa na gumaling na mula sa karamdaman.
Mayroon rin naman na 122 mga pasyente ang iniulat na binawian ng buhay dahil sa karamdaman.
Dahil dito, umakyat na ngayon ang COVID-19 death toll ng bansa sa 26,598 o 1.77% ng total cases. (ANDI GARCIA)
The post 6K+ na bagong kaso, naiulat… COVID-19 cases sa Pinas, mahigit 1.5M na appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: