Facebook

BAKUNA MUNA, BAGO F2F CASSES — BONG GO

SINANG-AYUNAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang sentimyento at paninindigan ni Pangulong Duterte na wala pang mangyayaring face-to-face classes sa mga paaralan hanggang hindi pa nababakunahan ang maraming Filipino at hindi nakakamit ng bansa ang herd immunity laban sa COVID-19 pandemic.

“Ang importante sa amin ni Pangulo ay ang buhay ng bawat Pilipino,” iginiit ni Go.

Sinabi ni Go sa panayam sa kanya sa Tondo Medical Center matapos pangunahan ang pagbubukas ng ika-129 Malasakit Center na patuloy na nakapokus ang gobyerno sa vaccination program nito bago ikonsidera ang face-to-face classes sa susunod na school year.

“Let’s focus sa rollout sa ngayon at kapag nakamtan natin ang herd immunity, I’m sure papayag ang Pangulo at ako ay sang-ayon kay Pangulong Duterte na bawal muna ang face-to-face classes dahil delikado pa,” sab ni Go.

Sinabi ni Go na sa harap ng patuloy na pandemya, suportado at paborsiya sa implementasyon ng blended learning sa pagsasabing hindi masisikmura ng pamahalaan na mailagay ang kalusugan ng mga mag-aaral sa kapakamakan sakaling magkaroon ng COVID-19 outbreak sa mga paaralan.

“Imbes na nakatutok ang ating mga government personnel sa pagbabakuna, pupunta na naman sa eskwelahan, ite-tracing na naman saan nanggaling, busy na naman po,” ani Go..

“We should focus right now sa pagbabakuna. Importante po tuluy-tuloy ang kaalaman ng mga kabataan bagama’t distance (blended) learning tayo,” idinagdag ng senador.

“Importante po tuloy-tuloy ang kaalaman ng mga kabataan. May distance o blended learning naman tayo, importante po pumasa sila, umabot sa another level po ang mga estudyante… pasado at natuto sila,” anang mambabatas.

Matatandaang kakaapruba pa lamang ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Department of Education na ang susunod na pasukan o school year 2021-2022 ay sa September 13.

The post BAKUNA MUNA, BAGO F2F CASSES — BONG GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
BAKUNA MUNA, BAGO F2F CASSES — BONG GO BAKUNA MUNA, BAGO F2F CASSES — BONG GO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.