IPINAG-UTOS ni Philippine National Police Chief, General Guillermo Eleazar, ang malalimang imbestigasyon sa rebelasyon ni Pangulong Duterte tungkol sa 9 Generals na sangkot sa drug trafficking.
Ayon kay Eleazar, aalamin at tutukuyin nila ang matataas na opisyal sa PNP na sinasabing sangkot sa droga.
Giit niya, walang puwang ang organisasyon para sa mga tiwaling pulis, lalo na ang sangkot sa iligal na droga.
Bago nito, una nang nagpahayag si Surigao del Norte Representative Robert “Ace” Barbers na nais niyang magpatawag ng congressional inquiry kaugnay sa 9 police generals.
Nabatid na lima lang ang mga heneral na pinangalanan noon ni Pangulong Duterte na pawang retirado na.
Hindi naman sinabi ni Eleazar kung ang siyam na narco-generals na binanggit ni Pangulong Duterte ay bago o ang lima dito ‘yung dati nang pinangalanan.
Ito ay mga retired generals na sina dating Deputy Director Gen. Marcelo Garbo, CSupt.
Vicente Loot, CSupt. Joel Pagdilao, CSupt. Bernardo Diaz at CSupt. Edgardo Tinio.
Noong 2016 iniimbestigahan na ng DOJ ang pagkakasangkot umano ng limang PNP generals sa illegal drugs.
Sinibak ni Duterte sa serbisyo noong 2017 sina Pagdilao at Tinio dahil sa ‘serious neglect of duty and serious irregularity in the performance of duty’ pero walang kasong isinampa laban sa kanila.
The post 9 GENERALS SA ‘DRUG LIST’ NI DUTERTE IIMBESTIGAHAN ULI appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: