Facebook

Maynila handa na sa posibleng lockdown sa Metro Manila

ALL SET na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sakaling ipatupad ang hard lockdown sa Metro Manila bunsod ng banda ng Covid Delta variant.

Ngayong araw ay kaagad na nagpatawag ng emergency meeting si Manila Mayor Isko Moreno upang atasan ang local health officials, kapulisan at Manila Barangay Bureau na maging alerto at maghanda sa napipintong lockdown.

Inalerto rin ang mga directors ng anim na district hospital sa lungsod na paghandaan ang posibleng covid surge.

Bilang preparasyon, ay nagbaba na ng kautusan ang Manila Barangay Bureau (MBB) na muling ipapatupad ang quarantine pass at tanging mga Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang papayagan na lumabas ng bahay.

Papayagan din lumabas ang mga magpapabakuna subalit kailangan magpakita ng QR code na katunayan na sila ay pupunta sa vaccination center.

Ayon sa alkalde, hindi pa man nagkakaroon ng panibagong surge ay nakaalerto na ang lungsod at tinitiyak na may sapat na quarantine facilities at ospital para sa mga tatamaan ng covid. (Jonah Mallari)

The post Maynila handa na sa posibleng lockdown sa Metro Manila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Maynila handa na sa posibleng lockdown sa Metro Manila Maynila handa na sa posibleng lockdown sa Metro Manila Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.