Facebook

Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19

INAMIN ni Philippine Red Cross chairman (PRC) at Senador Richard Gordon, na nagpositibo siya sa COVID-19.

Ayon kay Gordon, asymptomatic naman siya sa mga nakalipas na araw, kaya hindi pa niya nabatid agad na infected na pala siya.

Nabatid na nabakunahan na ang senador ng AstraZeneca vaccine bago na-detect na positibo sa virus.

Negatibo naman ang kanyang misis at mga staff members sa coronavirus ngunit sasailalim pa rin sila sa panibagong test matapos ang tatlong araw ayon kay Gordon.

“Asymptomatic ako, nasa bahay lang ako ngayon… Nakapagbakuna na kami,” ani Gordon patungkol sa kanya at sa misis nito.

Dahil dito, kusa nang nag-isolate ang pinuno ng PRC para maiwasang makahawa sa kaniyang pamilya at mga kasamahan sa trabaho.

Panawagan ng senador na paigtingin pa ang pag-iingat, lalo na ng mga katulad niyang nasa Red Cross at iba pang frontliners, dahil sila ang pangunahing lantad sa nabanggit na sakit.

Maliban kay Gordon, nagpositibo na rin noon ang iba pang mga senador na sina Sens. Sonny Angara, Koko Pimentel, Juan Miguel Zubiri, Ronald Dela Rosa at Ramon “Bong” Revilla Jr.. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19 Sen. Gordon nagpositibo sa COVID-19 Reviewed by misfitgympal on Hulyo 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.