Facebook

98.32 % ng Manileño na nagpabakuna, bumalik para sa 2nd dose — Isko

ANG 98.32 porsyento ng mga Manileño na nagpabakuna simula pa noong Marso ay bumalik para sa kanilang second dose.

Ito ang inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng kanyang papuri at pagmamalaki sa determinasyon ng mga Manileño na maging fully-vaccinated upang proteksyunan ang kanilang sarili at mahal sa buhay laban sa COVID-19.

Kaugnay nito ay nanawagan si Moreno sa natitirang 1.68 percent na hindi pa nakukuha ang kanilang second dose, bagamat napakaliit na porsyento, na magkaroon ng panahon upang maturukan na at maging fully-vaccinated.

“Sa 1.68 percent na di pa nakabalik para sa kanilang second dose, alam ko me trabaho kayo, me hanapbuhay kayo. Nauunawaan namin kayo pero mas maganda magpabakuna kayo as soon as possible,” sabi ni Moreno.

Binigyang diin ng alkalde na ang first dose ay balewala kung hindi kukumpletuhin ang second dose na isang requirement para matamasa ang ptoteksyon laban sa coronavirus.

Sinabi pa ni Moreno na mahalagang maging fully vaccinated na dahil na rin sa banta ng Delta variant na inulat na mas nakamamatay ay mas mabilis na makahawa.

Samantala, sinabi ng alkalde na ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Luneta ay nakapagrehistro ng 17 percent occupancy rate, kung saan may 57 pasyente ang umuokupa sa 344-bed capacity ng pagamutan.

Ang 870-bed quarantine facilities ng pamahalaang lungsod ay may one percent occupancy, kung saan anim ang kasalukuyang inaalagaan.

May kabuuang 131,793 indibidwal naman ang nag-avail ng RT-PCR o swab tests na libreng ibinibigay ng lungsod sa mga residente at hindi residente ng Maynila. (ANDI GARCIA)

The post 98.32 % ng Manileño na nagpabakuna, bumalik para sa 2nd dose — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
98.32 % ng Manileño na nagpabakuna, bumalik para sa 2nd dose — Isko 98.32 % ng Manileño na nagpabakuna, bumalik para sa 2nd dose — Isko Reviewed by misfitgympal on Hulyo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.