Facebook

PANIGURO NI CHIEF PNP, ANG ‘OPERATION DELTA’ NG CPP-NPA AY SASASABLAY

MISMONG ang kaibigan nating si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang naniguro na hindi mapagtatagumpayan ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army (CPP-NPA) ang inilunsad nitong ‘Operation Delta’ laban sa amin na mga taga-pagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Agad na inihayag ni Gen. Eleazar ang kaniyang todo-suporta sa NTF-ELCAC at proprotektahan daw niya ang tanging layunin ng task force na makamtan ang kapayapaan at kaunlaan sa bansa, matapos maisiwalat na ang ‘operation delta’ ng CPP-NPA ay may layuning siraan ang mga pagkatao ng mga taga-pagsalita ng NTF-ELCAC kasama na ang balak na paglikida sa mga ito.

“No amount of demolition job or even assassination plan can hamper its realization. At kami po sa Philippine National Police ay kikilos at gagawa ng kaparaanan upang ang adhikaing kapayapaan at kaunlaran ng NTF-ELCAC ay matupad,” ang sabi ni PNP Chief sa kanyang nakaraang pahayag.

Hinihimay na nga nila aniya ang lahat ng datos at impormasyon ukol sa planong ito ng mga komunistang-terorista upang matiyak ang pagsablay ng kanilang mga balak.

Kilalang-kilala natin ang tikas ng mamang iyan. Napatahimik niya ang Quezon City sa mahaba-haba niyang panunungkulan doon bilang Distric Director at lalo na nang kanyang patinuin ang mismong hanay ng kapulisan sa Metro Manila nang siya ay hiranging National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief. Ngayon pa kaya na siya na ang PNP Chief?

Kung mismong hanay ng kapulisan ay kaya niyang linisin at patinuin, mano pa ang mga kalaban ng bansa. Drug-traffickers, iligal na mga sindikato at kahit ano pang armadong grupo na nanggugulo lamang sa bansa ay bumabagsak sa kanyang kahusayan sa pagtupad ng kanyang tungkulin bilang alagad ng batas.

Hindi rin matatawaran ang kanyang pagmamahal sa bayan kaya ang kanyang mga binibitawang mga pananalita ay sisiguraduhin niyang maisasakatuparan. Kapag sinabi niyang lilinisin niya o lilipulin ang masasamang elemento sa bansa ay talagang gagawin niya.

Itim kung itim ika nga. Hindi basta-basta lamang, magtrabaho si Gen. Eleazar, pagsinabi niyang gagawin niya, magkuwidaw ka na. Dahil yun ang talagang mangyayari. Saludo kami sa iyo General Guillor!

The post PANIGURO NI CHIEF PNP, ANG ‘OPERATION DELTA’ NG CPP-NPA AY SASASABLAY appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PANIGURO NI CHIEF PNP, ANG ‘OPERATION DELTA’ NG CPP-NPA AY SASASABLAY PANIGURO NI CHIEF PNP, ANG ‘OPERATION DELTA’ NG CPP-NPA AY SASASABLAY Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.