Facebook

MAGSASAKA’T MANGINGISDA SA BOHOL DINAYO NI GO

Personal na dinayo at binigyan ng ayuda ni Senator Christopher “Bong” Go nitong July 9 ang mga magsasaka’t mangingisda sa Dauis, Bohol na lubhang naapektuhan ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

“Sa mga kababayan namin dito sa Bohol, magsabi lang kayo at handa kami ni Pangulong Rodrigo Duterte na magserbisyo sa inyo… huwag kayong mahiya na lumapit sa amin kung may maitutulong kami dahil trabaho namin ito. Nagpapasalamat kami dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon para makapagserbisyo sa ating bayan. Binigay ng Diyos ang tsansa na ito kaya hindi namin ‘to sasayangin at hindi namin kayo bibiguin. Gagawin namin ang lahat sa abot ng aming makakaya hanggang sa huling araw ng aming termino,” pagpapahayag ni Go.

Ang naturang Senador kasama ang kaniyang mga staff ay namahagi ng mga pagkain, food packs, vitamins, masks at face shields sa 200 farmers at fisherfolks kasama na ang 30 mga dating rebelde sa ilalim ng Barangay Development Program of the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa ipinaiiral na health protocols laban sa COVID-19 ay pinag-grupo grupo sa mas maliliit na bilang ang mga benepisaryo na isinagawa ang pamahagi ng ayuda sa municipal gym. Ilan sa mga piling benepisaryo ang tumanggap ng bagong pares ng sapatos, ang iba ay bisekleta at ang iba naman ay computer tablets para sa kanilang mga anak na nagsisipag-aral.

Ang Department of Agriculture ay nagkaloob naman ng bangkang pangisda at fishing nets at ang Department of Social Welfare and Development ay nagkaloob ng financial assistance, na iba’t ibang gamot naman ang ipinamahagi ng Department of Health. Assessment naman sa mga benepisaryo ang isinagawa ng Department of Trade and Industry at ng Technical Education and Skills Development Authority para sa pangkatulungang pangkabuhayan.

“Maraming salamat kay Senador para sa naibigay niya na tulong dito sa aming lugar. Mahirap ngayon kasi wala kaming nahuhuli. May trabaho naman sa amo ko kaya may konting kita ako. Nakaka-survive kami kahit papaano. Iyun lang, mahirap kumita para sa pambayad sa kuryente at tubig,” pahayag ng isa sa mga benepisaryo na si Generoso Tubio, 56.

“Kung pwede akong humiling, gusto ko sana ng bagong makina para sa aking bangka. Malaking tulong ang makina na ito sa aking pangingisda,” pahabol na hiling ni Tubio.

Hinikayat naman ni Go na sumunod ang lahat sa ipinaiiral na protocol bilang proteksiyon laban sa COVID-19 kasunod ang paghahayag nito na ang Bohol.ay makatatanggap ng karagdagang bakuna mula sa national government dahil marami pang magdadatingang mga bakuna sa bansa mula sa iba’t ibang mga bansa.

“Mayroon akong good news! Magpapadala ang pamahalaan ng dagdag na 10,000 na bakuna dito sa Bohol para patuloy ang pagbabakuna ninyo. Ituloy niyo lang ito para unti-unti na kayong makapagbukas ng inyong turismo at makabalik sa dati niyong pamumuhay. Pakiusap lang namin, hangga’t hindi pa natin na-aachieve ang herd immunity sa community level, kailangan pa rin namin ang kooperasyon at tulong niyong lahat para maiwasan ang pagakalat ng sakit,” panghihikayat ni Go.

Sa kapakanang pangkalusugan ay pinayuhan ni Go ang mga benepisaryo na lumapit sila sa Malasakit Center sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital, Tagbilaran City o sa Don Emilio del Valle Memorial Hospital, Ubay para sa medical assistance.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop na kinaroroonan ng desk representatives mula sa DOH, DSWD, Philippine Health Insurance Corporation, at ng Philippine Charity Sweepstakes Office na handang tumulong at umasikaso lalo na sa mga bayarin sa ospital at mga gamot.

Pinasalamatan ni Go ang mga public official sa patuloy nilang pagseserbisyo sa komunidad kasama na sina Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Dino, 1st District Representative Edgardo Chatto, Governor Arthur Yap, Vice Governor Rene Relampagos, Mayor Marietta Sumaylo, Vice Mayor Lulu Bongalos, at ang municipal council.

Pinapurihan din ni Go sina Tagbilaran City Mayor John Yap, Albur Mayor Don Buates, Alicia Mayor Victoriano Torres, Anda Mayor Metodio Amper, Antequera Mayor Lilioso Nunag, Baclayon Mayor Benecio Uy, Batuan Mayor Antonino Jumawid, Bien Unido Mayor Rene Borenaga, Bilar Mayor Manuel Jayectin, Buenavista Mayor Dave Duallo, Calape Mayor Nelson Yu, Candijay Mayor Christopher Tutor, Catigbian Mayor Elizabeth Mandin, Clarin Mayor Eugene Ibarra, Corella Mayor Dy Tocmo, Cortes Mayor Iven Lim, Dagohoy Mayor Sofronio Apat, Dimiao Mayor Randolph Ang, Duero Mayor Conrada Amparo, Inabanga Josephine Jumamoy as represented by Kagawad Jono Jumamoy, Lila Mayor Jed Piollo, Loay Mayor Hilario Ayuban, Loon Mayor Elvi Relampagos, Panglao Mayor Nila Montero, Pilar Mayor Necitas Cubrado, Sierra Bullones Mayor Simplicio Maestrado, Talibon Mayor Janet Garcia, Ubay Mayor Constantino Reyes, and Valencia Mayor Katrina Lim.

Nagbigay rin ng pondo si Go na magagamit sa infrastructure project ng naturang probinsiya tulad sa pagpapagawa ng bagong multi-purpose building sa Dauis at iba pang mga proyekto.

Dinaluhan din ni Go ang turnover of housing units sa mga uniformed personnel ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police gayundin ang disaster victims sa St. Michael Village.

Bago tumungo sa Bohol si Go ay sinaksihan din nito ang groundbreaking ceremony para sa joint mass housing project ng AFP at PNP sa Barangay Pulangbato, Cebu City.

The post MAGSASAKA’T MANGINGISDA SA BOHOL DINAYO NI GO appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MAGSASAKA’T MANGINGISDA SA BOHOL DINAYO NI GO MAGSASAKA’T MANGINGISDA SA BOHOL DINAYO NI GO Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.