Facebook

Hugpong ng Pangagago

TILA pahabaan ang zarzuela ng pagdedesisyon hingil sa pagtakbo ng mga lantarang kandidato sa panguluhan ng bansa. Iisa ang nagsabi ng tuwiran na ibig pumasok sa proseso ng pagpili sa panguluhan ng isang grupo na maituturing na nasa kabilang bakod ng political arena. Nariyan ang ibang gustong tumakbo sa pagkapangulo subalit nagkaproblema ng magpasya ang partido na kinaaaniban na itaas ang kamay ng kandidato sa bwisit presidente na lantarang may ibang nais na makatambal sa darating na halalan.

Ito ang dahilan kung bakit nawala sa linya ng mga tatakbo sa pagkapangulo dahil mukhang hindi kakayanin ng bilyon-bilyong dahilan na ibabato ng dating kakampi kung magpipilit na ituloy ang pagnanais nitong tumakbo sa mataas na pwesto. Bilang pampalubag loob, naglabas ang False Asia ng survey na numero uno kuno ito kung tatakbo sa pagka senador sa darating na halalan.. Mukhang gumalaw ang galamay ng Hugpong, at ang unang biktima ng pangagago’y isang boksingero na may laban sa Agosto.. TKO ang boksingero kahit ala sa ring, umpisa ito ng hugpong ng pangagago.

Sa ibang banda, may nagsasabi na palpak ang Busy sa kilos upang pagkaisahin ang bakod ng oposisyon. Ang bantulot na pagdesisyon kung tatakbo o hindi sa panguluha’y bumabalam sa paghahanda ng grupo nito. Hindi mawari ng mga nagsusulong ng mabuting pamamahala sa gobyerno kung pangungunahan ba ni Busy ang laban o’ hindi, parang may kahinaan sa tagal ng pagdedesisyon.

Ang alumpihit na pagpapasya ang nagbibigay sa iba ng ibang pakahulugan at nanganganib na mawalan ng loob sa laban kontra sa HnP. Hindi mailarawan kung ano ang nasa isip, Busy pa rin. Ang simpleng oo o hindi’y sapat na upang makatakbo ang makinarya ng oposisyon sa tamang landas ng walang pag-aagam agam.

Magpasya ang dapat tumakbo, huwag magpatumpik-tumpik dahil na sa kanto na ang laban at malayo na ang kinaroroonan ng magkatunggali. Hindi pa usapin dito na hawak ng kalaban ang pondo, ang COMELEC, media outlet ng pamahalaan at marami bagay na magagamit sa kanilang pakinabang..

Sa paghahanda, malaki na ang puhunan ng hugpong ng pangagago sa panghihikayat pa lang kay Inday Sapak na tumakbo sa pagkapangulo. Kabi-kabilang tarpaulin ang nakasabit sa ano mang bahagi ng kapuluan, isama pa ang partidong politikal na ibig makipag-alyansa sa HnP upang matiyak ang kalagayang pinansiyal sa darating na halalan. Batid ng mga politiko na napaka lalim ng balon ng kaperahan na magagamit ng HnP sa pangangampanya.

Dala ang makinarya ng pamahalaan na pinangungunahan ni Totoy Kulambo na siyang napipisil na tumakbo sa bwisit presidente. Marami sa mga kandidato’y natuto sa karanasan ng magkaroon ng 7 oras mahika noong nakaraang halalan na nagbigay daan sa landslide na panalo ng mga senador na nasa ilalim ni TK. Heto’t nagkukumahog ang mga partido politikal ng alyansa sa hugpong ng pangagago para matiyak ang upuan sa senado o kongreso. Ito ang kasalukuyang kaganapan sa mundo ng pulitika sa bansa.

Sa totoo lang ang panghihikayat na ginagawa ng mga kapanalig ng HnP’y kay Inday Sapak upang tumakbo sa halalan ’22 ay pang-ibabaw lamang. Mas nakatuon ito sa panggagago mismo kay Inday Sapak upang mas lumaki ang pondo na makukuha sa darating na eleksyon. Batid ng mga ito na babaha ng pera sa halalan lalo’t matikas ang nagpahayag ng intensyon sa halalan.

Batid ng mga ito na may-balang dala ito sa halalan laban sa hinihikyat nilang kandidato. Ang mga paglalahad ng suporta’y paghingi ng pondo para sa sariling interes. Batid nilang sila sila ang magbabatakan pababa kung sakaling magkaroon ng dalawang kandidato ang Inferior Davao Group sa panguluhan na magtitiyak na gigiba sa mga balwarte ng makakalaban. At ang halaga ng pondo’y siyang magdadala sa panalo kontra sa kalaban o kahit sa kaalyado.

Ang hugpong ng pangagago ang tinitingala sa ngayon dahil sa mas matimbang ang dugo kesa sa langis. Matatapos ang paglalaro ng mga ambisyoso kung maitaas na ang mga kamay nito bilang kandidato. Sa ngayon brasuhan pa ang laban ng mga politikong ambisyoso.. ano masasabi mo sexy..

Kay Mang Juan, maging matalino sa paghawak at pag-aanalisa ng kasalukuyang kaganapan. Sa palitan ng maanghang na salita ng mga magkakamping magkagalit, mapapansin sa dulo ng panggagago, magkakasama ito sa entablado na nagsasayawan at ipinagmamalaki ang bawat isa dahil nahilot ang nais ng bawat panig. Sa ngayon puro kwento ang usapan sa mga pagbisita sa mga kaalyadong malakas ang hatak sa baba. Subalit, walang galaw na walang kapalit.

Makikita ang postura ng panghihikayat kay Inday Sapak ng mga kapanalig, mula, Ilocos, Bikol at Cebu na isang malinaw na pangagaggo sa mga manghahalal. At ‘di nagtagal, heto na si Inday Sapak na nagsasabi ng YES, dahil sa mga suporta na ipinakita ng lokal na lider. At sa totoo pa rin, ang lahat ng ito’y masasabing zarzuela o nasa script hingil sa pagtakbo ni Inday Sapak.. Itanong mo pa sa sheriff na maybukol sa mukha ng sapakin ni Inday.

Mang Juan huwag magpagago sa hugpong, ang anim na taon na paghihirap na dinanas nati’y tigilan na. Walang naganap na pag-unlad, walang naganap na paglaban sa korapsyon, walang naganap na laban sa droga, walang naganap na security of tenure sa mga obrero, sa halip nawalan ng hanap buhay si Mang Juan, nawala ang mga islang napanalunan sa UNCLOS, nawala ang maraming buhay sa EJK at pinaka huli, kulelat ang bansa sa larangan ng takbo ng ekonomiya. Ito pa ba ang dapat sa ’22, huwag ng magpagago sa hugpong ng mga gago. Tama na, Bayan ang Unahin, hindi ang Sarili.. Bumoto ng may talino…

Maraming Salamat po!!!

The post Hugpong ng Pangagago appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Hugpong ng Pangagago Hugpong ng Pangagago Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.