Facebook

Duque at Garin bubuntunan sa dengvaxia!

SUWERTE mang maituturing ang laging pagdedepensa ni PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa pagsasabing walang katiwalian at kapabayaan sa panunungkulan si DEPARTMENT OF HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE III ay pagbubuntunan pa rin ito ng mga nanggagalaiteng pamilya ng mga namatayan sa DENGVAXIA VACCINATION upang mapanagot kasama na si dating HEALTH SECRETARY at ngayo’y ILOILO REPRESENTATIVE JANET GARIN at iba pang mga opisyales na responsable sa kawalang-ingat na pagbabakunang pamproteksiyon dapat sa sakit na DENGUE.

Sama ng loob na kinikimkim ng mga bumubuo ng SAMAHAN NG MGA MAGULANG ANG ANAK AY BIKTIMA NG DENGVAXIA (SMABD) na tinutulungan ng VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION (VACC) ay umaasang mapapanagot ang lahat ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS sa pamamagitan ng mga matitibay na ebidensiyang ihahain sa korte ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE na pinangangasiwaan ni CHIEF PERSIDA ACOSTA.

Sa isinagawang PRESS CONFERENCE ng PAO via zoom ay ipinunto na sandamakmak pang mga kaso ang ihahain sa DEPARTMENT OF JUSTICE (DOJ) at sa KORTE laban kina DUQUE at GARIN gayundin ng iba pang mga opisyales at personalidad na nagsagawa ng MASS INDISCRIMINATE VACCINATION ng DENGVAXIA noong 2016.

May panibagong 101 kaso ang inihahanda ng PAO na ihahain sa DOJ bukod pa sa 7 kasong kriminal na ihahain din sa DOJ kaugnay sa mga namatay na sumailalim na sa forensic examination…, na marami pang mga namatay sa DENGVAXIA VACCINATIONS ang nabibinbin at hinde pa maisagawa ang forensic examinations dahil sa ipinaiiral na health protocols ng gobyerno.

Inihayag ni PAO FORENSIC CHIEF DR. ERWIN ERFE na nakapagsampa na sila ng 157 kasong kriminal para sa 155-kataong nasawi sa DENGVAXIA at para sa 2 batang naisalba mula sa adverse effect ng bakuna laban sa sakit na DENGUE. Ang PAO ay nakapaghain na ng 127 CIVIL CASES sa DOJ na ang ARRAIGNMENT ay isasagawa sa Branch 107 ng QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT laban kay GARIN at iba pa.

Sa September 20, 2021 isasagawa ang PRE-TRIAL ng CRIMINAL CASES laban sa mga akusado at sa September 30 naman isasagawa ang PRELIMINARY TRIAL CONFERENCE.

Ang isinasagawang sinserong pagtulong at pangangalap ng mga matitibay na ebidensiyang ilalatag ng PAO para sa mga gagawing paglilitis sa hukuman laban sa DENGVAXIA IMPLEMENTORS ay nariyang panggigipit ang dinanas ng PAO mula sa mga maiimpluwensiyang opisyal na nagawang bawasan pa ang FINANCIAL BUDGET.., subalit, hinde nagpatinag ang PAO sa liderato ni ACOSTA at sa halip ay lalong nagsumigasig para sa pagbuo ng mga matitibay na ebidensiyang magdidiin sa naging kapabayaan ng DOH sa panunungkulan noon ni GARIN hanggang sa panunungkulan ngayon ni DUQIE bilang HEALTH SECRETARY dahil nakapagsagawa pa rin ng pagbabakuna ng DENGVAXIA at maraming kabataan din ang dumanas ng ADVERSE EFFECT na marami sa mga ito ay humantong sa mala-tortyur na kamatayan.

Bukod dito, ang kasalukuyang isinasawagawang COVID VACCINATION ay isinisisi rin sa PAO kung bakit marami ang umaayaw sa pagpapabakuna. Depensa naman ni ACOSTA na wala siyang kinalaman sa mga taong umaayaw magpabakuna ngayon at hinde rin siya anti-vaccine dahil kumpleto ang kanilang pamilya sa pagpapabakuna.

Sa kasalukuyan ay may 165 kabataang namatay sa DENGVAXIA ang tinutulungan ng PAO.., na, ang pinakahuling isinailalim sa forensic examination nitong June 2, 2021 dahil sa kahilingan ng magulang ay ang 16-anyos na dalagitang nakakumpleto ng 3 doses ng DENGVAXIA.

Ayon kay DR. ERFE, ang nasabing biktima ay nabakunahan ng DENGVAXIA noong 2016 at pagkaraan ng 7-araw ay dumanas na ito ng pagsusuka at pagkahilo ayun sa mga magulang. Subalit, kinumpleto pa rin ang 3 doses hanggang sa pabalikbalik na lamang ang matinding pananakit ng kalamnan ang dinanas ng biktima at nitong June ay tuluyan na itong nasawi.., na ang mga sintomas sa naging sanhi ng pagkamatay nito ay kaparehas ng 164 na na-forensic examination ng PAO.

Magugunita na noong taong 2016 ay pinasimulan ang DENGVAXIA VACCINATIONS sa mga mag-aaral sa elementarya na ayon kay DR. ERFE ay may isinumite ang SANOFI (DENGVAXIA mamufacturer) sa FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) noong December 2015 hinggil sa kumplikasyon ng DENGVAXIA, subalit inilihim ito sa publiko at sa halip ay pinagbabakunahan ang mahigit 800,000 mga batang mag-aaral nang walang kapahintulutan mula sa mga magulang at hinde isinailaim sa medical evaluation ang mga bata.., gayong ang restrictions ng SANOFI ay bawal iturok ang DENGVAXIA sa hinde pa nagkaka-dengue ay isinagawa pa rin ang MASS INDISCRIMINATE DENGVAXIA VACCINATIONS sa pangangasiwa noon ni GARIN hanggang sa pinalitan siya ni HEALTH SECRETARY DUQUE III.., gayong noong November 2017, dahil marami na ang namamamatay sa mga nabakunahan ay mismong ang SANOFI ang nag-anunsiyo na sa publiko na may masamang epekto ang DENGVAXIA kapag itinurok sa hinde pa nagkaka-dengue.., e umarya pa rin si DUQUE at itinuloy ang DENGVAXIA VACCINATION na hinde ipinairal ang health protocol tulad ng pahintulot mula sa mga magulang, medical evaluation at kahit hinde pa nagka-dengue ay pinagbabakunahan.

Kaya ang resulta MALA-TORTYUR NA KAMATAYAN ang sinapit ng marami sa mga nabakunahan.., na maraming mga taga-probinsiya ang pikit-matang tinanggap na lamang ang suhol na pera upang huwag nang magdemanda ang mga ito.., kaya ang 165 na pamilya ng mga nasawi ang nagpupursiging matulungan ng PAO upang mapanagot ang lahat ng DENGVAXIA IMPLEMENTORS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Duque at Garin bubuntunan sa dengvaxia! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Duque at Garin bubuntunan sa dengvaxia! Duque at Garin bubuntunan sa dengvaxia! Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.