Facebook

Roleta ng bayan, patuloy na ginagamit ni ‘John Yap’ sa jueteng sa Cavite

WALA na raw jueteng sa Lungsod ng Caloocan.

Ang ipinarating na impormasyon sa akin, mismong si Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang nagpatigil dito kay Colonel Samuel Mina, hepe ng yunit ng Philippine National Police (PNP) sa Caloocan.

Kaya, natapos ang jueteng operation ni alyas “Renel”.

Ipinatigil na rin ang bookies ng kanyang “EZ2” at bookies ng kanyang “lotteng”.

Kahit ang bookies ng EZ2 at lotteng nina alyas “Tisay” at alyas “Boyong ay pinatuldukan na ni Malapitan.

Pokaragat na ‘yan!

Nagdesisyon si Mayor Malapitan makaraang may lumabas na balita na apat na tauhan ni alyas Renel ang hinuli ng mga pulis ni Colonel Mina.

Ang pinyansa raw ng bawat isa ay P30,000 kung ang magiging hatol ng piskalya ng Caloocan ay tuluyang ikulong ang mga bata ni Renel dahil matibay ang mga ebidensiyang lumabag sila sa batas kontra iligal na sugal.

Pokaragat na ‘yan!

Kaya, posibleng P120,000 ang inilabas ni Renel kung tinuluyan ng piskalya ang mga bata niya.

Pangalawang operasyon ito laban sa jeueteng sa Caloocan.

Iyong una ay ang operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kung saan marami itong nasakoteng tauhan ng gambling lord umano na si alyas “Oye”.

Dahil sa nasabing mga operasyon ng PNP at NBI, natatakot na raw si Malapitan na gamitin ang talamak, garapalan at lantarang iligal na sugal sa Caloocan ng makakalaban ng kanyang anak na si Rep. Dale Along Malapitan sa pagka-alkalde sa eleksyon.

Malakas ang bulong sa Caoocan na gagawin ni Rep. Edgar “Egay” Erice upang siya naman ang ‘maghari’ sa Caloocan.

Tapos na ang termino ni Mayor Malapitan, kaya balik Kamara de Representantes na siya.

Pwede pa namang utmakbong kongresista si Dale Along, ngunit balita ko ay ikakasa na siya ng kanyang ama sa pagkaalkalde upang magpatuloy na kontrolado ng pamilyang Malapitan ang Caloocan.

Pokaragat na ‘yan!

Dahil sa ginawa ni Mayor Malapitan, nabawasan ng malaking teritoryo si alyas Renel.

Nabawasan din ng teritoryo si alyas Tisay.

Pokaragat na ‘yan!

Napakatindi naman kasi ng jueteng ni alyas Renel sa Caloocan ngayong panahong napakasahol ng pag-atake ng coronavirus disease – 2019 (COVID – 19) sa naturang lungsod.

Matindi rin ang COVID – 19 sa Cavite hanggang kasalukuyan.

Katunayan, hindi tinatanggal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Cavite sa NCR Plus (National Capital Region, Rizal, Laguna, Cavite at Bulcan) hanggang kasalukuyan.

Isinilang ang NCR Plus dahil pare-parehong napakasahol ng bilang ng mga kaso ng COVID – 19 dito.

Sa kabila n’yan, wala pang naibabalitang inutusan ni Gobernador Juanito Victor “Jonvic” Remulla si Colonel Marlon Santos upang kumilos laban sa lantaran, garapal at talamak na jueteng operation ng gambling na kilala sa tawag na alyas “John Yap”.

Dahil diyan, hindi naglalabas ng maraming pera si alyas John Yap para piyansahan ang kanyang mga tauhan.

Ang jueteng sa Cavite ay idinaan sa “Roleta nng Bayan”.

Ligal ang roleta, kaya hindi basta – basta sinisita at hinuhuli ng mga pulis sa Cavite.

Ngunit, nadiskubre ng intelligence unit ng Cavite na ito palang Roleta ng Bayan ang siyang ginagamit sa jueteng operation ni alyas John Yap.

Pokaragat na ‘yan!

The post Roleta ng bayan, patuloy na ginagamit ni ‘John Yap’ sa jueteng sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Roleta ng bayan, patuloy na ginagamit ni ‘John Yap’ sa jueteng sa Cavite Roleta ng bayan, patuloy na ginagamit ni ‘John Yap’ sa jueteng sa Cavite Reviewed by misfitgympal on Hulyo 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.