NASAWI ang isang barangay chairman nang pagbabarilin sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Badawi Kusain, chairman ng Bgy. Ambadao, Datu Piang, Maguindanao. Sugatan naman ang pamangkin nitong si Rasul Sindi.
Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director, Colonel Donald Madamba, lulan ang mga biktima sa isang Vannet van galing sa kasalan ng kanilang kamag-anak sa Shariff Aguak. Pagsapit nila sa roundball ng Barangay Poblacion Mother doon na sila pinagbabaril ng riding in tandem gamit ang kalibre.45 pistola.
Mabilis na tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar ng Shariff Aguak.
Patay kaagad si Chairman Kusain dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan, habang naisugod sa pagamutan ang pamangkin ntio.
Alitan sa pamilya o rido ang natatanaw na motibo ng krimen.
The post Barangay chairman patay, 1 sugatan sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: