NASA kamay na ng Philippine National Police Intelligence Group ang dating pulis na umano’y pinuno ng ‘gun for hire’ group sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PNP Chief , General Guillermo Eleazar, sumuko si dating Police Lt/Col. Wilson Magpali na umano’y “lider” ng kilabot na ‘Magpali gun for fire group’ Martes ng gabi.
Si Magpali ang siyang binanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang huling State of the Nation Address (SONA) nitong Lunes, Hulyo 26.
Sinabi ni Eleazar, nakaramdam ng matinding pressure si Magpali kaya’t agad siyang nagpasama sa kaniyang abogado patungong Kampo Crame.
Nagsumite si Magpali ng affidavit upang linisin ang kaniyang pangalan at iginiit na hindi siya miyembro o pinuno ng anumang criminal group.
Nasibak si Magpali nang masangkot sa pagpatay sa isang Fredi Ramirez noong 2019.
Nasangkot din siya sa tangkang pagpatay sa pamilya ni La Union Representative Sandra Eriguel na mariin naman niyang itinanggi.
The post Ex-Police Colonel na lider ng ‘gun-for-hire’ sumuko appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: