INIHAYAG ni Senator Christopher “Bong” Go na dapat suportahan at bigyan ng kapital ng pamahalaan at ng mga kinauukulang ahensiya ang mga kababayan nating may kasanayan sa pagnenegosyo upang mabigyan sila ng pagkakataong kumita para sa pamilya at magkaroon ng kontribusyon sa bansa.
Ginawa ni Go ang pahayag sa isinagawang joint relief effort ng kanyang opisina, kasama ang Department of Social Welfare and Development at iba pang government agencies sa mga nawalan ng trabaho at aspiring business owners Ozamiz City, Misamis Occidental kamakalawa.
Hinimok ni Go ang mga ito na i-avail small and medium enterprise programs ng pamahalaan gaya ng Sustainable Livelihood Program ng DSWD upang makatulong sila sa pagbuhay ng ekonomiya at masuportahan din ang kanilang mga pamilya.
“Hindi lahat ay maaari makapaghanap ng trabaho, lalo na bumabalik pa lang ang sigla ng ekonomiya. Layunin ng SLP na mabigyan ng kaukulang suporta upang makapagsimula at magkaroon ng sariling hanapbuhay ang mga kababayan nating mahirap,” sabi ni Go sa kanyang video message.
“Suportahan natin ang mga kababayan nating may kasanayan sa pagnenegosyo. Turuan at bigyan natin sila ng kapital. Kung magagawa natin ito, mabibigyan natin sila ng pagkakataong kumita para sa kanilang pamilya at mag-contribute sa ating bansa,” he continued.
Sa naturang event ay namigay ang grupo ni Go ng meals, vitamins, masks at face shields sa may 153 small business vendors sa Ozamiz City School of Arts and Trades sa Barangay Maningcol.
May mga binigyan din ng pares ng sapatos at bisikleta para may magamit sa kanilang paghahanapbuhay at computer tablet para sa kanilang mga anak na mag-aaral.
Ang DSWD naman ay namahagi ng financial assistance sa pamamagitan ng SLP nito habang ang Department of Health ay nagbigay ng mga hygiene kits. Naghasik naman ang Department of Agriculture ng vegetable seedlings sa mga nais magtanim.
“Magtulungan po tayo upang maibangon ang ating kabuhayan. Hindi po kayo pababayaan ng gobyerno. May mga programa tayo para maiangat ang inyong pamumuhay,” sabi ni Go.
Nag-alok din si Go ng medical assistance sa mga benepisyaryong may medical concerns at hinimok sila na i-avail ang serbisyong ipinagkakaloob ng Malasakit Center sa Mayor Hilario A. Ramiro, Sr. Medical Center.
Bago ito, noong July 21, ay tinulungan din ng opisina ni Go ang nasa 1,313 vendors sa Tudela Sports Complex at sa Northern Mindanao State College.
Nang sumunod na mga araw, noong July 22 at 23 ay inayudahan din ni Go ang daan-daang micro-entrepreneurs sa Parañaque City.
Isinagawa sa ROMVI Gymnasium sa Barangay Moonwalk, umaabot sa 500 micro-entrepreneurs ang nakatanggap ng iba’t ibang klase ng ayuda mula sa senador.
The post Bigyan ng kapital, mga may kasanayan sa negosyo — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: