Facebook

Bradley Beal tanggal na sa USA Olympics Team

NATAPYASAN ng isang star player ang USA Basketball team na sasabak sa Tokyo Olympics.

Ito ay matapos isailalim sa COVID-19 health protocols ang Washington Wizards All-Star na si Bradley Beal.

Maging si Jerami Grant ng Detroit Pistons ay isinailalim din sa health protocols bilang bahagi ng quarantine procedures.

Dahil sa pangyayari posibleng kanselahin na rin ang rematch game ng US Team kontra sa Australia bukas.

Ang Australian team ay mas lalong nagpapairal ng mahigpit na protocols.

Ang laro ay bilang bahagi pa rin sa pagpapakondisyon ng koponan bago tumungo ng Tokyo, Japan sa sunod linggo.

Para naman sa coach ng USA na si Gregg Popovich, inilarawan niya ang reaksiyon ng pamilya ni Beal bilang “devastating at horrible” lalo na at ambisyon talaga nito kahit maliit pa na makapaglaro sa Olympics.

Ayon naman kay Bam Adebayo ng Miami Heat at bahagi ng national team, wala namang dinaranas na COVID symptoms si Beal.

The post Bradley Beal tanggal na sa USA Olympics Team appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bradley Beal tanggal na sa USA Olympics Team Bradley Beal tanggal na sa USA Olympics Team Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.