Facebook

PASABOG SA KAMPO NI DUTERTE, ‘KATHANG ISIP’ NI TRILLANES

KADALDALAN at ‘kathang isip’ lamang ni dating Senador Antonio Trillanes IV ang mga alegasyon na ipinupukol nito kina Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte at Senator Bong Go na umano’y sangkot ang mga ito sa katiwalian mula sa kaban ng gobyerno.

Ito ang naging hamon ni Atty. Manuelito Luna, dating Election lawyer at kabilang din sa limang abogado na nagsampa ng kaso laban kay Trillanes noong mga nakalipas na taon kaugnay sa inciting to sedition ( libel) at grave threat sa Pasay City court.

Ayon kay Luna, ang muling pagsulpot ni Trillanes at paninira sa dangal ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas at pagyurak sa pagkatao ni Senator Go na umano’y sangkot ang mga ito sa P6.6 billion project ng gobyerno nang walang basehan ay isang kathang isip at ‘black propaganda” dahil malapit na naman ang eleksiyon.

Sinabi ni Luna na nakahandang silang magsampa ng dalawang kaso ng inciting to sedition na traditional libel dahil sa pagsasalita ng walang basehan, paninira sa dignidad ng isang tao at pagsira sa Republika ng Pilipinas at Cyber inciting to sedition naman para sa cyber libel dahil paggamit ng ‘Tiktok’ upang masira umano ang imahe ng kampo ni Duterte.

Binigyang-diin pa ng abogado na maging ang miyembro ng pamilya ni Go ay idinawit din ni Trillanes sa ilang transaksiyon sa gobyerno bagay na mariing pinabulaanan ito ng Senador sa ilang media interviews.

Gayunpaman, tahasang binanggit ni Luna sa isang panayam na sakaling humingi ng ‘public apology’ si Trillanes dahil wala pa naman itong isinasampang plunder case laban sa Pangulo at Senador ay maaari nilang iatras ang pagsasampa ng kaso.

Nabatid na si Luna, kasama ang iba pang abogado na sina Atty. Nasser Maruhom Salic, Atty. Glen Chong,, Atty. Eligio Mallari at Usec. Jacinto Paras ang mga nagsampa ng kasong inciting to sedition ( libel) laban kay Trillanes, ilang taon na ang nakalilipas. (Jojo Sadiwa)

The post PASABOG SA KAMPO NI DUTERTE, ‘KATHANG ISIP’ NI TRILLANES appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PASABOG SA KAMPO NI DUTERTE, ‘KATHANG ISIP’ NI TRILLANES PASABOG SA KAMPO NI DUTERTE, ‘KATHANG ISIP’ NI TRILLANES Reviewed by misfitgympal on Hulyo 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.