Facebook

Cris Nievarez 5th sa classification semis

ANG pambato ng Pilipinas Cris Navarez ay may oras na 7; 26.05 at nagtapos na pang-lima sa semifinals C/D ng men’s single sculls sa rowing competition ng Tokyo Olympics sa Sea Forest waterway kahapon.

Ang Filipino bet, na natalo sa quarterfinals, ay sasabak sa Finals D- ang classification para sa 19th to 24th places.

Alvaro Torres Masias ng Peru ang nangunguna sa Semifinals ng C/D na may oras na 7;02.49 habang si Quentin Antognelli ng Monaco ang second place 7;06.03 at si Dara Alizadeh ng Bermuda ang third spot may oras na 7;11.14.

Final C ay para sa 13th to 18th classification.

Mohammed Al Khafaji ng Iraq ang fourth place may oras na 7;21.52,habang si Hussien Alireza ng Kingdom of Saudi Arabia ang nagtapos sixth place may oras na 7;53.99 ang dalawa ay makakasama ni Nievarez sa Finals D.

Ang Finals D ay nakatakda ngayong 7;35 Biyernes ng umaga (oras sa Pilipinas).

The post Cris Nievarez 5th sa classification semis appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Cris Nievarez 5th sa classification semis Cris Nievarez 5th sa classification semis Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.