Facebook

Olympics: Marcial isang panalo nalang para sa gintong medalya

HINDI man lang pinawisan si Eumir Marcial at agad tinapos ang laban sa pamamagitan ng technical knockout o referee-stopped – contest (RSC) sa first round ng kanilang round of 16 sa men’s middleweight division sa Kokugikan Arena.

Sa pagsisimula pa lamang ng laban sa loob ng isang minuto ay pinabagsak ni Marcial si Younes Nemouchi ng Algeria dahilan para bilangan ito ng refereee ng eight count.

Ang sumunod na pangyayari ay pumagitna ang referee nang magkaroon ng accidental headbutt ang dalawa at dumugo ang taas ng kanang mata ng Algerian.

Sa huli itinigil ng referee ang laban sa oras na 2:41 minuto sa opening round.

Kung maalala bago pa man umakyat ng ring ay marami na ang humuhula kay Marcial na aabot ito ng finals lalo na at sumabak na rin ito sa professional fight noong buwan ng Disyembre sa ilalim sa Hall of Famer trainer na si coach Freddie Roach doon sa Los Angeles, California.

Bunsod ng panalo ni Eumir, uusad na siya sa quarterfinals at makakaharap ang Armenian star na si Arman Darchinyan sa August 1 sa 69-75 kg division.

Kung sakaling manalo pa si Marcial ay sigurado na ang bronze medal upang sundan din ang yapak ni Nesthy Petecio na tiyak na rin ang bronze medal.

Kung maalala si Petecio ay lalaban na sa Sabado sa semifinals.

Sinasabing ang kalaban ni Marcial ay pamangking lalaki ng dating world champion na si Vic Darchinyan.

The post Olympics: Marcial isang panalo nalang para sa gintong medalya appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Olympics: Marcial isang panalo nalang para sa gintong medalya Olympics: Marcial isang panalo nalang para sa gintong medalya Reviewed by misfitgympal on Hulyo 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.